Martes, Marso 20, 2012

I hate distance





“Isinusumpa ko ang pagitan
na naglayo sa ating pagmamahalan”

nakakapagod mag-alala sayo

sa mga oras na magkalayo tayo

ni minsan hindi lumipas ang segundo

na hindi ka tinibok ng puso

bawat araw dalangin ko ay ikaw

makatabi ka o aking tanglaw

kaya lang tila sa magaganda mong larawan

na lamang kita mahahagkan

kahit alam kong masakit na ikaw ay kalimutan

ginagawa upang hindi ako labis na mahirapan

na tanggapin ang katotohanan

na ang aking iniwan ay hindi ko na mababalikan.

alam kong buong habang buhay akong magdurusa at luluha

dun ka na lang maibabaling ang paghaplos sa iyong mukha

na lagi kong dating ginagawa at pagtingin sa iyong mga mata.

mamimis ko lahat pero wala na, huli na,…..

sa Distansyang naglayo sa atin ikay ay nagpadala

Pag-ibig mo sa akin pinutok na parang bula :(((

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento