Martes, Marso 20, 2012

kung ikaw ako?




Lumalalim na ang gabi. Bukas na ang lahat ng ilaw sa lansangan. Mga tao ay nagaagawan na sa sasakyan. Sa diskarte nila wala akong masabi, lahat ay gagawin para lang makauwi. Ako heto nag-aanatay ng milagro nagbabakasakaling sa jeep na di puno dahil sa takot kong manakawan at mahipuan ayos lang mag-intay ng magdamagan. Ok sige na aamin na ako. o siya tinatamad talaga ako makipagsisikan sa tao. Ayaw ko sa bus kahit de aircon, kahit mabilis ayaw ko .AYAW!!! dahil nakakapagod tumayo. Siguo sasabit na lang ako sa jeep. Ah hindi uuwi na lang ako mamayang alas dyes para makuha ko ang aking gusto.O di kaya magaabang ako ng kakilala para libre pamasahe ay si ate nga pala dito ung daan yehey . hahahahhahah :D

tik-tak-tik-tak Bakit pagpinira hindi hihinto pero kapag hindi kailangan automatiko. Badtrip naman bumuhos pa iyong malakas na ulan nawala tuloy ang POISE KO!. andito ... na ako sa loob ng restaurant "o tukso layuan niyo ako." Tae naman magpapalibre nga ako tapos napabili naman ako salamat sa lahat ng estudyanteng nakikisilong sa mcdo INOP niyo ko makagaya na nga lang makapag mc float nga din kahit gus2 ko tag50 alaws na akong pera. Ang tagal wala pa rin akong makitang kapitbahay o kapatid man lang. Yummy ng macfloat:)))

Loves ko talaga itong cp ko kahit kailan hindi ako iniiwan., katuwang sa kalungkutan at higit sa lahat sa oras ng bait-baitan. Oh no knina pa ito 1 bar walastik fantastik talaga toh'' makapgtext nga. Beep beep beep ( Ang pangit ng ringtone ko hindi ko napalitan adik nakakahiya sa mga ibang tao dito.) hello maganda speaking sino po sila? Anak san ka na naman?! may project ulit kayo andito na mga kapatid mo ah? umuwi ka na ..AKO: mama MAMA: wag ng lalandi pa AKO: mama MAMA: At anak mag-ingat sa magnanakaw ah ? may payong ka ba ung nasa bag mo na payong gamitin mo. AKO: mamamamamammamama CP :TOOOOOOTh empty

Paano ako uuwi nagastos ko na ung 25 pesos ko 15 na lang pera ko at 40 ung pamasahe ko pauuwi .. "how can i decide what's right when i don't have money inside."

Lumabas ako ng tuliro habang hawak ang mcfloat ko aieh hindi ung 25 pesos ko. Kahit umuulan nagmukha akong emo papaano naluluha na iyong mga mata ko alangan umiyak ako sa loob ng mcdo. Hindi ko alam kung anong gagawin kong hakbang ang alam ko lang kailangan bagalan kong bagalan ang paginom para mukha wala lang.

Ayan umaandar na ang aking utak. Genius talaga ako kahit hindi.

Manghingi kaya ako sa kapwa ko estudyante gayahin ko kaya ung mga nangangalabit na batatapos manghihingi kapag hindi mo binigyan mangungurot o magmumura. Asa wag iyon baka pag ginawa ko iyon tumakbo iyong kinalabit ko hahhaha hindi baka kunin iyong number ko.

Maglakad na lang kaya ako. Oi pagtayo nga kinatatamaran ko paglakad pa kaya. atsaka baka kung ano pang mangyari sa akin.

Magpanggap kaya akong nanakawan. Anung gamit aman nakuha sa akin. Cp q n3310 o ung walet ko na may 3 limang piso.

Aha magpapaload na lang ako. OO nga pala empty ang batery ng cp q.

Makaupo nga muna hindi ko na talaga alam. Sana piso na lang ung kulang sa pamasahe ko kaso bente singko ei.

Lord help me. I've learn na from my experience.

moral lesson: wag mag mamacfloat hahahha aadik talaga ako may problema na nga ako kung ano pang naiisip ko.

Pakanta

  Bahala na si batman.
Sana dumating si superman
Iuwi na sana ako ni spiderman.

ahaahaahhahah <kulot kulot tone with tears>

kung ako ikaw anung gagawin mo. help aman oh? please

Maingay ang paligid maraming nagsisigawan. Hindi ko magalaw ang aking katawan. Asan na kaya ako ???

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento