Martes, Marso 20, 2012

Seeking God




GOD IS THERE FOR YOU 


May mga pagkakataon sa ating buhay na nahihrapan tayong harapin ang mundo. Nasasaktan sa ating mga pinagdadaanan. Nabibigatan sa ating kapaligiran. Ang dami daming bagay ang ipinaparanas sa atin ng buhay. Maraming beses mo na sigurong naisip ang sumuko at napagtatanto mo rin kung hanggang kailan ka dapat makadanas ng ganyang pighati.

Ang hirap at nakakalungkot lalo na sa panahon ng kabiguan kapag wala kang malalapitan at makakapitan. Ang pakiramdam na nag-iisa ka lang ay sadyang nakakabaliw. Bawat segundong lumilipas wala kang gustong gawin kundi daanin sa pagluha ang lahat ng iyong nararamdaman at pakinggan lahat ng kirot na nasa puso mo. Minsan pa nga ikinakanta mo pa ang sakit kahit nagmumukha kang tanga.

Siguro ganon talaga kapag hindi tayo na dapa hindi tayo matutong tumayo at makaalala na sa buhay hindi naman tayo naging mag-isa. Ang swete nga natin laging tayong may kasama kaso hindi natin pinapansin puro negatibo iyong pinapairal natin. Tinatalikuran natin ang mundo pero Sya hindi ka nya kayang talikuran tulad ng ilang ulit mong ginawa sa Kanya. Sa totoo lang lagi ka Niyang niyayakap hinihilum iyong galit at pait sa puso at kaluluwa mo, kaso hindi mo na hahalata. Pilit ka kaya niyang hinahawakan kaso ikaw itong kusang bumibitaw. Hindi hindi ka Niya kayang iwan kahit walang ng natira sayo pwedeng pwede mo syang lapitan libreng libre Sya hinihintay ka lang Nya.

Kaya utang na loob kung naiinis ka na sa iyong mundo. At wala ka ng maisip na solusyon kundi wakasan ito. Pwede bang kahit saglit hayaan mo Sya ang gumawa ng milagro sa buhay mo. At hayaan mo na lang ang Kanyang pag-ibig ang mamayani hanggang sa maramdaman mo na may Pag-asa pa at kahit kailan obligasyon mong mabuhay ng masaya dahil lahat ng kasalanan mo pinagbayaran na Nya. At kung sa kaling matisod ka, wag ka na ulit mag-iisip ng masama tawagin Mo lang Sya darating sya agad para pulitin ka, gabayan hanggan sa tuluyan mong makayanan muling makipagsapalaran sa hiwaga ng ating buhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento