Martes, Marso 20, 2012

aPat na Sulok na BulOk



Na sa loob ako na aming silid
ako'y umupo sa pinakagilid
pinagmamasdan ang buong paligid
ngunit wala akong napala sa aking pagmamasid


ang katahimikan ang namamayani sa aking isipan
hindi ko na tuloy namalayan ang mga kaganapan
mga pangyayari sa loob at labas man
panadalian kong nilisan ang silid aralan


ngunit tila may humila sa akin para magbalik
doon ko lamang napansin ang ibat-ibang salik
salik kung bakit di ko ninais ng magtagal sa looban
dahil sa mga hindi magandang bagay na hindi ko malabanan


ang mahalimuyak na ihip ng hangin na may dalang kabahuan
ang mamahalin na display na electric fan
ang ilaw na tila di ilawan
ang magulo at sira-sirrang upuan


ang black board na walang chalk at pambura
pintuang hindi ma malaman kung paano isasara
flatform ng guro na gumuho na
la mesa ni Maam na ninanakaw ng iba


classroom na binabaha
classroom na mukhang tutumba
gurong magulo at di maintindihan
sa hina ng boses hindi mo na malaman ang usapan


bayarin na walang katapusan
kaklase na walang kapagod-pagod magdaldalan
kung sa apat na sulok na ito tayo ay bulok
paano pa ang lipunan nating baluktot


kailan ko kaya malalagay ang tuldok ?
kailan kaya makakarating sa magandang tutok
na kung saan ang kapangitan
hindi madagdagan kundi mapalitan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento