Ang tao nga naman makakita lang ng gwapo at maganda lilingon kagad. NO TIME SHOULD BE WASTED ika nga lalo na pag si crush. Ang mukha ng tao tila nagiging basehan na natin ng kanilang buong pagkatao. At napakalaking kapaboran ito sa mga taong pinagpala ng kgwapuhan at kagandahan. Dahil mairiin man nating itanggi mas priyoridad na ng lipunan ang mga taong mayroon niyan. Bawat isa man sa atin ay naghahangad ng ganyang biyaya tulad ng ibang naambunan na. Pero minsan mahigpit ang tadhana daanin man ng ilan sa kabutihang loob tila wala pa rin kwenta dahil itsura pa rin ang labanan.
Sa bussiness industry mas madalas pinapaboran ang magaganda at gwapo. Napansin ko sa paglilibot at pamamasyal ko sa ilang mga tindahan, stall sa mall, restaurant,cafe at kung anik-anik pa. Mas madaming suki ang lalaking gwapo at babaeng maganda. Kaya naman karamihan sa mga bussiness man gusto ang mga taong my face value.
Sa media industry sa larangan ng showbiz aminin na nating lahat na ang kadalasang sumisikat ay yaong magaganda at gwapo kahit wala itong kataletalento. Nauusadan pa nila ang mga may K talaga.
Sa relasyon ang kadalsan unang tanong my gf/bf k?Gwapo/maganda ba...?? Patunay ito na itsura ang basehan ng ilan.
Sumisikat na rin sa panahon natin ngayon ang libo-libong paraan at kagamitan pampaganda at pampagwapo halos lahat ng tao ay nagiging balidoso. At tanggap na ng lipunan kung anumang pagbabago ang gawin mo sa iyong katawan.
Sa aming mga kabataan uso ang tiis ganda hindi na bale mahirapan basta maganda ka. Madaming ganyan, ang braise at contact lenses nga na dati ay gingamit dahil kailangan ngayon para pang porma na lang. Dahil kahit hindi na kailangan sinusuot pa. Minsan fashionista lang talaga pero kadalasan papansin lang kung baga. Nabaon na sa limot ang konseptong kasimplehan.
Kaya kung ako sayo hangga't kaya sana ay maging kumpleto ka. brainy beautiful, at good in character make no regrets..... always be the best
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento