Bakit ang pagmamahal ay hindi madalas nagtatagal. Dahil ba sa hindi ito iginuhit ng tadhana o dahil sa iyon ang desisyon nila. Nakakaadik, nakakakilig, nakakaantig, komplikado, nakakalito, minsan seryoso pero kadalasan puro biro. Ganyan ang salitang pag-ibig puno-puno ng misteryo at tanging mga taong nakakadama lamang ang makakapagsabi kung ano nga ba ito talaga. Mahirap unawain si Kupido dahil sadyang mahilig syang maglaro. Ipinaparanas niya sa atin ang iba't-ibang emosyon na hindi natin inaasahan. Minsan tinuturuan tayo ng aral at bagay na hindi natin sukat akalain. At ang pinakamalaking ginagawa nito ay ang baguhin ang ating pagkatao sa kabutihan at maging sa kasamaan. Masarap talaga ang may mahal at nagmamahaldahil may kakampi ka sa mundo at tipong di ka na mag-iisa pa. Maraming tao na itinuturing bahagi ng pag-ibig.
Nung maliit at nasa murang edad pa lang ako akala ko ang pagmamahal ay tungkol sa pince charming, soulmate at happy endings mga kwentang mala-fairy tale ang drama. Gustong-gusto ko nga kapag nakakakita ako ng mga nagliligawan. Parang ang sarap ng pakiramdam na may handang protktahan, alagaan at pahalagahan ka hanggang kamatayan. Pero hindi na uso ito sa panahon natin ngayon. Sa sbrang talino ng tao pati teknolohiya ginagamit para saktan ang iba. Minsan talaga tinatalikuran natin ang mga mas nakakakilig na surpresa pagdating sa Pag-ibig. Ang tao wala ng bukambibig kundi katamaran pati sa ligawan.
Hindi lang naman doon nagwawakas ang tunay na pagmamahalan sabi ng ilan makikita ito sa pakikipagkaibigan. May mga tunay na kaibigan na nandiyan para ikaw ay damayan, mayroon rin naman ang gaganda kung magngitian ngunit kapag nakatlikod na ay nunuknukan ng kaplastikan. Kaya sa pagkakaibigan mararamdaman ang pag-ibig sa pamamagitan ng pagpili ng taong pagkakatiwalaaan para sa huli wala kang pagsisishan dahil may mga taong kaya kang lamunin ng hindi mo na mamalayan.
Ang Pamilya ang pinakauna at hindi mawawala sa listahan pagdating sa ibigan. Sa kanila natin ito tunay at buong nararamdaman. Sila ang mga taong handang magsakripisyo para sa kaligayahan mo. At kahit kailan sila ang iyong maasahan at makakapitan sa panahon ng kalungkutan.Kahit ilan ulit ka mabigo, malugmok at masaktan umasa kang hindi ka nila iwanan at pabayaan dahil balibaliktarin mo man ang mundo sila ang mga regalo ng Diyos na mga instrumento para gumabay at sumabay sa agos ng iyong buhay.
Syempre wala ng dadakila pa sa pagmamahal ng Diyos. Diyos ay pag-big ika nga, walang hihigit sa kanya at kahit nakakalimutan natin sya lagi pa rin syang handang punan ang mga espasyo sa ating sugatang puso. Ganya ang pag-ibig ng Diyos kahit kailan hindi matutumbasan ng sinuman.
Ang PAG-IBIG. Ay bagay na hindi natin inaasahan, hindi natin matataguan at lalong hindi na babayaran dahil ang wagas ng pag-ibig kusang nararamdaman. Sa pag-ibig kailangan natin tanggapin ang inilaan ng langit para sa atin. Pag-aralan mahalin at siguradong tayo ay liligaya din. Alam ko na minsan nadadapa tayo at nabibigo sa larangang ito, pero kailangan natin itong maranasan para ganap nating maintidihan ang ating kamalian at matutunan nating pag-ibayuhin na tumayo para sa iba pang nagmamahal sa atin ng buo. Nawa'y wag tayong magsawang magpasalamat sa mga emosyon ating nararamdaman kung tayo man ay naliligayahan o nasasaktan ipagpasalamat natin ito sa panginoon bigyan ang sarili ng pagkakataon at panahon na mauunawaan ng lubusan kung ano ang tunay nitong nararamdaman upang makagawa ka ng tama para sa iyong kapwa. Gamitin mong salamin ang nakaraan, gawing sandata sa kasalukuyan at kapulutan ng aral para sa kinabukasan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento