Sabado, Nobyembre 16, 2013

From My Favorite Movie : My Amnesia Girl


I just love the movie. Bukod sa paborito ko si Toni Gonzaga. May sense talaga ung kwento, May humour din. Ang dami dami nyang values natinuturo. Nakakakilig din at nakakatawa to the highest level bawat character. Walang dull moment. Kung nakakaiyak naman ung eksena iiyak ka din talaga. It was great RomCom movie played by John Loyd Cruz and Toni Gonzaga. Bumili talaga ako ng CD nito kahit napanuod ko sya dati sa sine ng twice tapos pagboring ako. Walang mapagtripan pinapanuod ko sya ulit as in paulit-ulit siguro mga 18 times ko na toh napanuod dami di ba:) May anak ng baluga lang talagang ng hiram sa akin ng CD at ndi na nasauli. Minsan masarap maging madamot kaso ayaw kong ugaliin. Hinanap ko to sa Quipo kaso wala na kaya ngtitiyaga ako sa online movie. Kaasar..
What makes me love the movie even more is not just the character of Irene but also Apollo. Nakakakilig to the point na mapapawOw ka na lang sa sweetness at effort. Sabi nga pwede tayong makagawa ng maling desisyon pero ang mahalaga magawa natin ang lahat para iyon ay maitama. Ang tunay na effort walang expectations. You just did it because you simply love that person and all you wanted is to give all the happiness to her. Yung hindi ka magsasawang ligawan sya araw araw kahit mukha kang tanga. Kahit alam mong impossible na maging kayo pero ginagawa mo pa din lahat para sa kanya dahil mahal mo sya. 
Alam mo ung effort najustify talagaun sa palabas. Alam mo ung paulit ulit mong pinapanuod ung part na nagbirthday si toni. Ang sarap siguro maexperience nun. Nakakakilig at nakakainlove. Masarap sigurong pakinggan ung katagang “Hindi man ako maagang dumating sa buhay mo hayaan mo uulitin ko sa simula ng pinanganak ka para magkasama na tayo mula noon hanggang ngayon.” “HIndi nalilimutan ng puso ang kayang limutin ng isip”. 

Pero simula pa lang ng movie the best na ung mga linya ni apollo. Sana may mga lalaki pa ding tulad ni Apollo:>

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento