Martes, Marso 20, 2012

Bata pa AKOUH ??



Ang ngiti nila sa atin ay nagpapasaya. Malalakas nilang tawa ay sadyang nakakahawa.  Mga mukha ay kaibig-ibig talaga. Boses nila ay mala anghelita. Hindi nila batid ang gulo ng totoong mundo dahil ang alam lang nila ay puro laro.  Ngunit kailangan pa ba nilang masaksihan ang madilim na katotohanan?. Nakakatakot isipin na sa mura nilang edad patong-patong problema na ang kanilang dala-dala para sa hinaharap. Bunsod ng mga pagbabago sa tradisyunal na gawin ng mga bata tila lalong itong pumangit at lumala.

Minsan pa nga tila nagiging obligasyon nilang pasanin ang mabigat na mundo dulot ng kawalang masasandalan. Sa panahon natin ngayon ang mga musmos na bata ay tila patok ng matatanda sa larangan ng pagkita ng pera sila’y malupit at kahanga-hanga pero saan ba talaga sila nababagay? Sa loob ng paaralan para may matutunan o sa kalsada para may ipanlaman ang kanilang nagugutom sikmura. Mulat tayo sa realidad ng mundo na ang mga bata talaga ang tunay na apektado sa palugmok na  stado ng bansa. Ngunit parang bulag ang bawat isa at hindi naririnig ang hinaing nila na sila ay bata pa. Sino Ba Ang Dapat Sisihin? Magtuturuan nanaman ba tayo? O magsasawalang bahala?

Patuloy natin pinagtatalunan ang mga usapin tila wala naman kapupuntahan. Sa ginawa ng mga matatanda nadadagdagan na lang ang kanilang suliranin. Pero bakit hindi ito alintana ng iba na nasa itaas. Akala ko ba kabataan ang pag-asa ng bayan ngunit sa nakikita ko kung magpapatuloy na lang ganito. Problema at utang lang ang iiwan ninyo, gustuhin ko man maging bayani ng alata sosyodad na ito tila ito malabo. Kung sa simula pa lang ay palpak na.Ano pa kaya ang aking mapapala

Ako na may edad 16 ganito na ang opinyon papaano pa kaya ang mga bata na may gulang 7-13 ano na lang ang sasabihin nila lalo na kung kabilang sila sa lipunan na puno ng kahirapan?

Magisip at gamitin puso. Minsan ka rin naging BATA DI BA??…

Ang mga bata kung minsan ay hindi na talaga bata. Nakakaawa lang dahil minsan lang natin mararanasan ang yugto nito ng ating buhay. Kung ano man ang iyong naranasan wag mo sanang ipagkait sa kanila. Sila ay may karapatan sa mudong kanilang ginagalawan. Ang buhay ay masaya sana hayaan natin ito ang kanilang madama hindi ang libo-libong problema na hindi pa naman talaga nila kaya. “BATA PA SILA BIGYAN NATIN SILA NG MAGANDANG BUKAS, SA RESPONSIBILIDAD NATIN SA KANILA SANA HUWAG TAYONG TUMAKAS”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento