Martes, Marso 20, 2012

Asan ang piso ni Juan ?




“Kapus na nga tayo sa salapi,lalo pa nating binabaon sa lupa ang ating sarili”

Bawat tao ay may katayuan sa buhay. Marami ang sa atin ang kapus kapalaran at may ilan-ilan rin naman na pinagpalang maging mayaman. May mga pagkakataon sinisisi natin ang pamahalaan pero sino nga ba ang may kasalanan kung bakit walang pagkakapantay-pantay sa ating mahal na perlas ng silangan? Alam ko na bilang pilipino maraming nagsasabi na tamad daw tayo??? at maraming beses ng napatunayan na hindi iyan totoo dahil iyan ay hango lang sa ilang kwento tulad ng juan tamad at alamat ng pinya. Pero bakit ganoon ang bansa natin ay likas na mayaman. Ang mga mamamayan ay dumranas ng kahirapan anu ito?? abnormal na lipunan. Minsan ayaw ko talagang maniwala pero ang daming bagay ang nagtutulak sa akin upang sabihin oo nasa atin ang problema kung bakit laging walang laman ang ating sikmura.

Ilan sa ating mga mamayan ang pinipili pagkagastusan ng pera ang mga bagay na wala namang katuturan. Kung makapagtext sa kasalda gamit ang cellphone na maganda akala mo kung sinong makaasta. Kung makapaglakad gamit ang damit na mamahalin sobrang yabang. Pati pag-kain ng sosyal at pag-inom ng kape kailangan pa talagang sa magastos na restaurant pa ei kung iisipin wala naman pinagkaiba. Imbes na ibili ng pagkain kung anu-ano ang binibili.O di kaya itulong sa mga dukha. Kalunuslunos na kahirapan ba ang hanap mo kahit saan sulok marami. Sa mga mata pa lang ng mga bata sa lansangan mararamdaman na ang pait ng buhay na kanilang pinagdadaanan.

Ang pinagtataka ko lang kung bakit sa sobrang hirap na nga ng pilipino nakabili pa ng alak at sigarilyo.. nanakakapagbinggo pa sa kanto. Mahirap ba talaga tayo. Eh ang condom nga na afford na ng marami. Cellphone pa kaya at iba pang gadgets. Facebook,twitter at dota gaano kahaba ba ang tinatagal ng isang bata na babad sa kompyuteran kadalasan. Kapag may uso mayroon kaagad tayo. Hindi papatalo sa ibang bansa. Ang malaking tanong na bumabagabag sa akin ay na saan ba talaga ang piso ni Juan?

Bawat segundo bumibili tayo, Kada minuto napapagastos tayo,at paglipas ng oras kelangan na nating punan ang ating ganap na pangangailangan in short gastos nanaman, pagdating ng araw bagong listahan ng bilihin, sa pagsapit ng 15 sasahod na, ayan ang masasayang panahon, kapag buwan na ay mas malaking bayarin libo-libo. Pagkatapos ng isang taon nasan na tayong mga Pilipino?.Kung ang mga may stable na naghanapbuhay nga nahihirapan, pa ano pa kaya ang mga wala.

Pangarap natin ang marangyang buhay minsan kinaiingitan pa nga natin ang mayroon na ito. Pero wag na tayong magpanggap kung ano ang tunay nating kaya ayon na iyon. Hindi araw-araw ay pasko. Madalas mabubutas ang bulsa mo, normal na tayo kung sapat na natutugunan ang pangangailangan. Kaya lang laging HINDI! kakapusan ang madalas nating sinasapit. Ang nakakagulat lang always present si wallet kapag dating sa mga luho hindi naglalaho kasi ayaw patalo. Ayan hindi ko na kailangan patunayan kasi ikaw mismo alam mo na ginagawa mo ito. Lumaki laki ang lista ng iyong utang ng hindi mo namamalayan.

Ang hirap alamin kung ano ang totoo. Naguguluhan nga din ako. Isang araw habang naglalakad ako may limang lalaki ang nakatambay nag-uusap tungkol sa hirap ng buhay ang dami nilang reklamo. Pero pagdaan ko ulit doon nakatambay nanaman sila. Ito pa may nakausap akong tambay ayaw niyang mag-aral dahil mahirap ang buhay hindi ko alam an itutugon ko kasi medyo parang hindi niya sinabi iyong sinabi niya. Pakiramdam ko gustos kong sabihin na anu bang magandang kinabukasan ang ipinangako ng pagtambay at bakit ang daming nakikiparty-party??. hay ewan hanggan dito na lang ba tayo. TAMBAY. kung sino pa ang madalas magreklamo sya pa ang dapat ikareklamo. Marami siguro ang mapapatungo at makakaugnay sa naranasan ko.

OO malaki talaga ang kakulangan natin. Natural na lang iyan ang akin lang pwede naman sigurong maiwasan kung tayo magtutulungan at magbabago sa ating mga sarili. Likas na madiskarte tayong mga pilipino sana lang hindi matabunan ng ating maraming maling kasanayan ang mga natatangi nating kaasalan. Hindi pa huli ang lahat ang kahirapan ay hindi hadlang sa kaginhawaan. At hindi ko na kailangan pangalanan ang ating mga kababayan sumikat sa gayang kalakaran “rugs to riches”. Pinoy ang number one sa kahit saang larangan pero sana sa mga ganitong usapin wag natin kalimutan na makakasira ito ng malaki sa ating bayan. At hindi kasalanan kung ipinanganak kang mahirap ang masama mamatay kang mahirap dahil wala kang ginawa para makuha ang inilaan ng Diyos na mga biyaya.

“kapus na nga tayo sa salapi lalo pa nating binabaon sa lupa ang ating sarili”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento