Martes, Marso 20, 2012

commitment



                                                   
                                             What is you commitment ???

                   Commitment ang pinakapaborito kong salita kung baga sa tagalog pananagutan. Pero naguguluhan ako sa salitang ito kung minsan dahil sa mga bagay na aking naooserbahan. Ano ba ang COMMITMENT ??? Bakit ang lakas ng epekto nito sa isang indibidbwal o relasyon? Isang salita na puno ng hiwaga at misteryo kung tutuusin. Sige mayroon kang isang minuto para isipin kung kanino ka may panangutan dito sa mundo at paano mo ginagawa ito.

                   Marami ka sigurong naisip, Alam mo ba na ang salitang Commitment sa english ay nangangahulugan na "a pledge or promise; obligation; engaging yourself to someone or something.". Ang gandang pakinggan pero mahirap patunayan. Ilang tao na ang nagsalita ngunit kunti lang ang umobra. May mga ilan naman nagtagumpay pero mas marami nga lang ang minalas sa buhay. Bakit ba ang bigat para sa atin ibigay ito sa isang tao. Iyon ba ay dahil takot tayo magkaroon ng limitasyon o tamad lang talaga tayo sa obligasyon. 

                   Napakaraming bagay ang mauugnay sa salitang ito kaya marahil napapako ang mga matatamis na pangako kasi nga naman mahirap itong ipaglaban. Tignan mo na lang kung totoo at seryoso kang commited sa ginagawa mo at sinasabi. Kailangan mong maging TAPAT, DISIPLINADO, MATIYAGA, MAPAGMAHAL,MAY RESPETO,MAALAGA,WALANG ARTE, MAHABANG PASENSYA, MAPAGPATAWAD at KUNG MINSAN KAILANGAN MONG KALIMUTAN ANG IYONG SARILI. Ei kasi nga committed ka alam mo ang magiging resulta kapag nagloko ka.

                  Pero minsan kahit alam mo na ginagawa mo pa rin yung lihis sa tama at bagay na magbubunga ng hindi maganda. Anuman ang iyong dahilan MAY KALALIMAN O KABABAWAN lagi mong pakakantandaan ang pananagutan ay kakambal ng kasalanan kapag ito'y iyong tinalikuran tiyak na mayroon kang masasaktan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento