Martes, Marso 20, 2012

Maskira



SINO NGA BA SIYA??
Kaninong buhay ba ang may kaakit-akit na kulay. Maganda sa ngunit kung titikman ay mapakla. Sa tingin mo ba siya na nga? Ang taong punong-puno ng kasiyahan at para bang hindi na mababahidan ng kalungkutan. Sa kanya ba na sayo'y nagpapasigla twina. Sa iyong hinahangaan ng lubusan kahit wala man siyang gawin sa iyo....
Ngunit ano ang iyong mararamdaman kung ang lahat ng ito'y kasinungalingan???
Sinong makakapagsabi tulad nila ay namumukod tangi. Kakaiba sa lahat ng iyong makikilala. Laging may baon ngiti para sayo ay iuwi. Kung minsan hindi mo mawari kung siya ba ay nagkukunyari o nagpapakatotoo na sa kanyang sarili. Pero wala kang magawa dahil kung minsan napapalagay ka na lang na makita siya at doon busog at kuntento ka na. Hindi basta-basta mahuhusgahan ang tunay niyang katauhan lalo na ang kanyang katayuan. Sapagkat lagi siyang nakabalot sa maskara niyang mapanloko. Madalas magbalat kayo sa harap ng maraming tao.  Laging nakatawa akala mo walang problema ngunit  sa likod ng mga ligaya ay mga malalim na luha na pilit itinatangi ng mga mata niya. Sa tuwing lalapitan mo siya payo niya ay mabisa at maasahan talaga ngunit kapag sarili na niya ang nangailangan sarili hindi alam kung paano tutulungan. Hind mo maalintan bigat ng mundong pasan niya. Kung titignan siya ng panakaw siguro doon mo lang matatanaw ang kanyang tunay na anyo. Mapagpaggap talaga siya. Iyon ang bagay na hindi mo mapapansin sa kanya. Dahil Siya ay parang artista na laging maganda sa Kamera. Ngunit sa sulok isa lamang siyang ordiyang tao na katulad mo.           
Nanatili pa rin malaking tanong kung sino ang taong ito sa buhay mo.  Siguro dapat mong pagiisipan ng magkaroon ka ng sapat na kaalaman kung paano mo siya pakikitunguhan.                                                                                                                  
" mas madaling magpanggap na masaya kaysa ipaliwanag kung bakit nalulungkot ka"

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento