Martes, Marso 20, 2012

Paano mabuhay sa wala





Mahirap mabuhay sa mundo ng kawalan
wala kang taong masasandalan
ni kaibigan, ikaw ay iniwanan
o kahit pamilya na ikaw ay tinalikuran.

Paano mabuhay sa muundong magulo
sa mundong walang nagmamahal sa yo.
Gaganahan ka pa kayang gumising sa umaga
kung alam mo mabubuhay ka na lang ng mag-isa.

Paano umiibig sa taong walang puso
mababaling ba iyon sa bagay na hindi kumikibo
o sa hayop na idadaan ka sa tingin
baka aman sa mga kulay ng paligid.

Paano mo iraraos ang isang buong araw
ng hindi mo alam kung papaano gagalaw.
Saan ka pupunta at kailan magsisimula
kung takot ka naman tumayo sa iyong sariling paa.

Paano lumuha kung wala ka ng mailuha
kung ang tubig sayong mata ay naubos na.
At kahit sumigaw at magwala ka
hindi mo na mababalik ang nawala.

Paanoka masisi sa iyong kamalian
kung tila tinangalan ka na ng karapatan.
At ang mga tao tapos ka ng husgahan
Ng hindi ka man lang lumalaban.

Magagawa mo pa kayang magbago
sa kasalanang hindi mo ginusto.
Kanino mo huhugutin ang lakas
para harapin ang bukas.

Makakatulog ka pa kaya
ay mali, Didilat ka pa ba?
Kung alam mong wala halaga
at dahilan para mabuhay sa lupa ….


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento