Linggo, Marso 25, 2012

Bagong Pag-asa

(pakilapatan naman ng musika please... thanks and God bless:">)


Sa tuwing ika'y aking nakkikita
Ano itong aking nadarama
Di maipaliwanag ng bibig
marahil ito nga'y pag-ibig

Sa oras na tayo'y magkasama
Ako ay sobrang maligaya
Ayaw ko ng matapos ang sandali
Ikaw lang nais kong makatabi

Pangarap kitang makapiling habangbuhay
At hindi ako makapaniwala ikaw ay aking abot kamay
Sayo lang nag ka ganito
Sayo nahulog ang aking puso

Chorus :)
Kay tagal-tagal ko ng dinararasal
na matagpuan mo ko, Mahal
Sawang-sawa ng mag-isa
Pagod na sa pagluha
Ikaw na nga....
Ang aking Bagong pag-asa..........

Minsan na kasi akong nasaktan
Binigay ko ang lahat ngunit ako'y umuwing luhaan
Sabi niya kasi siya ay seryoso
Pero ang tao sya pala'y manloloko

Napagod na akong mag-intay
Timing ang pagdating mo sa aking buhay
Sayo lang nagkaganito
sana di na ako mabigo

Bridge:)
Ang sarili sayo'y buong iaalay
Dahil iniibig kitang tunay
Pakiusap lang ito'y iyong ingatan
Huwag na wag  mong iwanan..

Chorus:)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento