Linggo, Marso 25, 2012

Masasaktan lang kita





Itigil mo na kaya ito
Alam mo naman hindi tayo talo
Ibalik na lang natin ang dati
Na kung saan relasyon natin ay mabuti

Namimiss na talaga kita
Sa isip ko hindi ka nawala
Nahihirapan na talaga ako
Tanggapin mo na lang kasi ang totoo

Chorus
Na hindi pwede maging tayo
Pero hindi dahil di kita gusto
Ayaw ko lang masaktan ka
Kasi mahal na mahal kita

Oo na ikaw talaga ang tinitibok ng puso
At doon ako ay sobrang aminado
Alam kong hindi ito sapat
Para sayo ako'y magtapat

Takot akong mawalan ng kaibigan
Dahil sa maling kong nararamdaman
Ayaw ko lang tuluyang malayo sayo
Kaya pakiusap lang tanggapin mo na ang totoo

Coda
Lahat ng sa atin sana ay magbalik
Dahil sayo ako'y asbik na sabik

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento