Linggo, Marso 25, 2012

Sa pinakamamahal kong mama




Sa 9 na buwan na pagpapakahirap
At patuloy na pagsusumikap
Na matupad ang aming pangarap
At mabigyan mo kami ng buhay na masarap.

Dito sa kaibuturan ng aking puso
Masayang-masaya po ako
Na may mama akong tulad mo
Na matapang hindi sumusuko

Mahal na mahal po kita
Sana ako'y mapatawad sa aking kasalanan
Maintindihan nawa ang aking ginagawa
Huwag mo po sana akong pagsawaang alagaan

Lumalaki na po ang inyong bunso
Kung minsan nagiging maloko
Gumagawa ng mga pagpapasaya
Ng sa inyo'y hindi kumukunsulta

Pero wag niyo pong iisipin
Na kayo'y aking kinakalimutan
Gusto ko lang makabawas sa iyong problema
Kaya pinipilit kong tumayo sa aking paa

Lagi niyo pong pakatatandaan
Bibigyan ko po kayo ng kaginhawaan
Aking pag-aaral ay pagbubutihan
Ng ako'y iyong ipagmalaki sa inyong kaibigan

Maraming salamat aking magandang mama
Totoo po iyan walang halong bola
Sabi nga nila sayo ako nagmana
Itsura ko pa lang ako'y pinagpala na :)

Hayaan niyo po sa iyong pagtanda
Idol na idol pa rin kita
Ikaw ang aking nag-iisang kong HERO
Sa pagkatao ko ikaw lang ang bubuo.

Ikaw lang aking paglilingkuran
kailanman hindi kita iiwanan
Sa sakripisyong iyong ginawa
Ako'y labis mong napahanga

Kaya Mama, hinding-hindi ka na mag-iisa
Talikuran ka man ng mundo
Andito lang po ako
Taong hindi magsasawang magmahal sayo

Kung nabibigatan ka na sa iyon pasan
ipasa mo muna sa akin iyan
Ayaw ko na kasi nakikita kang nasasaktan
Sana ako'y iyong maunawaan

Papatunayan ko po sa inyo mama
Na hindi ka na mahihirapan pa
Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya
Para mabuhay ka po ng masaya

Araw-araw kong idadalangin sa panginoon
Bigyan ako ng maraming pagkakataon
At mga magagandang panahon
Na maiparamdam sa kung gaano kita ka gusto..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento