Lunes, Abril 30, 2012

hindi na mauulit ..




lahat ng bagay ay lumilipas
tumatakbo tulad ng oras
unti-unti ng nabubura ang bakas
ng lihim mong pagtakas

Asan ka na kaya
sana ikaw ay masaya
sa iyong mga ginawa
Tila inanunod na ng luha

Pilit nilimot ang kahapon
Poot at galit akin ng ibinaon
Simula ng ikaw ay lumisan
relasyon natin ay na tukdukan

Iipunin lahat ng aking lakas
Huhugutin lahat sa itaas
Kakampi ko ang tagapagligtaas
Sya sa akin ay sapat.

Tama na ang sakit na ipinadama
Ako ay nakabangon na
Mula sa aking pagkakadapa
Bagong simula, bagong pag-asa

Huwag ka ng magbabalik
hindi na sayo nanabik
tama ng napatawad kita
kaya hayaan na natin ang isa't-isa

Haharapin ang aking bukas
tatahakin ang bagong landas
Sarili lubusang aalagaan
ng ako'y na muling masugatan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento