Lunes, Abril 30, 2012

ikaw lang ang aking mahal




Di na kita pipilitin
sa aking mga nais gawin
Sapat na ikaw ay aking kasama
sa twina,,,

pero kung sakaling masaktan ka niya
huwag kang mag-alala andito ako
laging naghihintay sayo
na ako rin ay iyong makita

Tanging ikaw lang minahal
taginging ikaw lang aking dasal
sayo ko nais magpakasal
mamahalin kita, tayo ay magtatagal

Wala ng hangad pang iba
pangako ikaw lang talaga
ang pangarap kong makasama
habangbuhay sinta

Hinding hindi ka na luluha
pag-ibig ko sayo ay magpapasaya
hahagkan at yayakapin kita
hanggang umaga....

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento