Biyernes, Marso 23, 2012

Cellphone sa Panahon Ngayon ..



      Napakadaming mamayan ang ganap na may pangangailangan ng usong-uso at pinamadaling paraan ng pakikipag-usap o talastasan. CELLPHONE. Tunay na kailangan natin ito sa pakikipagkomunikasyon lalo na sa panahon natin ngayon na mahal na ang transportasyon. At inaantay na lang mag-increase ang pay phone na sa kasalukuyan ay limang piso pa rin kada tatlong minuto. Kahit sino bata man o matanda, may ngipin o wala, bakla man o tomboy at babae man o lalaki lahat tayo mayroon nito.

       Isang bagay na napakalaki ng pakinabang at impluwensya.


       Anu -ano ba  ang mga silbi ng cellphone at labis na niwiwili ang tao sa pagbili nito. Kung bakit ganoon na lamang sila ka-adik sa paggamit?

       Oo aminado tayo na ang cellphone ay mahalaga kailangan natin tulad ng nabanggit sa unahan. Ito ay nagagamit sa pakikipag-ugnayan sa mga mahal na sa buhay sa kabilang dagat man o sa loob man ng bansa ngunit magkalayo kayo ng distansya. Nagpapatatag ng relasyon at nagbibigay pagkakataon sa mga taong walang lakas ng loob makipag-usap. Pinakamabilis, madali at murang tagapaghatid ng mensahe. Maasahan sa oras ng pangangailangan sa kahit anong larangan. Naglalaan ng sapat na oras para sa mga trabaho at importanteng transakyon. Nagkakatulong sa paghingi ng saklolo ao ay nasa kapag ang isang tao ay nasa panganib, disgrasya, sakuna o malobhang karamdaman. Hindi lingid sa ating kaalaman na ang cellphone ay naimbento para dito bukod pa para sa kumita ng pera ang magaling na tao na naklikha.

      Ngunit tila nag iba ang ihip ng hangin. Kasabay ng modernasyon ay ang pagkanegatibo ng epekto ng mga bagong imbento ng tao.

     Saksi ang bawat isa sa ebolusyong nagaganap sa paraan ng pakikipagkomunikasyon mayroon ang mundo. Mula sa mga teorya sa aklat, pagkatuklas ng symbolo, paglikha ng tunog, at pagkaimbento ng gamit na panunulat, hanggang sa TOUCH SCREEN. Hindi na lamang pang kumonikasyon ang cellphone pati ang libangan na dati makukuha sa pakikipagkaibigan ay naroon na. Mayroon na itong GAMES, DIKSYUNARYO, KALENDARYO, ORASAN, AUDIO, VIDEO, CAMERA, TELEBISYON, INTERNET AT BAKA SA SUSUNOD AY WASHING MACHINE, REFRIGARATOR O KAYA ISANG PINDOT LANG LUMILIPAD NA SASAKYAN NA. Natuto ang tao maging makasarili wala ng inatupag kundi cellphone. Nakakalimutan ng marami ang tamang pakikipagkapwa.   At kung minsan nagiging ugat ito ng pagkalat ng mga pangit na larawan na nakakasira sa isang katauhan ngunit dahil sa mabilis ito mahirap ang pagtigil sa mga impormasyong napakalat na sa pamamagitan nito. Bagamat nakakatulong din naman ito kasi sa halip magbibit na tayo ng mabigat na kamera nakukunan na natin ang mga masasayang araw sa ating buhay. Ang mga gusto nating lugar o mga biglaan pagkikita o okasyon nagagawan natin ma itala ang mga alaala ng hindi tayo nahihirapan o nabibigatan. Nakakatulong din upang maibsan ang kabagutan. At daan rin para sa bagong pakikipagkaibigan. Kaya lang dahil rin rito ang tamang proseso ng pagliligawan ay napadali at nawala na sa konsentrasyon ang henerasyon ngayon tungkol sa takdang panahon kung kailan dapat pumasok sa ganitong bagay, tia nagiging laro na lang sa kanila ang pagbibilang ng syota. Dahil sa piso ay mayroon ka na agad-agad na matamis na OO fresh from (globe,smart & sun).

      Matalino po ang tao iyon ang totoo dahil pagkalipas [a lang ng isang linggo nakakapaglabas na po kaagad ng bagong modelo. At iyon ang simula kung bakit ang simpleng pakinabang ay nagiging daan para ang tao ay matutong yumabang. Kung bakit ang mababaw na dahilan ng pagkaimbento nito ay naging daan para magkaroon ito ng mabigat na papel sa mundo.

      Hindi man natin napapansin o pilit man natin itanggi. Opo, ito ang katotohanan ang cellphone ay batayan na ng estado ng tao sa lipunan.

  • Da lOwEr ClAsS -- mga Cellphone na walang camera, kahit coloured basta ang games ay snakes at nature park tapos may infrared. Gawa sa china at may may antena
  • dA mIddlE cLAss --may camera ang cellphone may bluetooth, music player, memory card, flip top pa iyan o slide phone mahalaga may camera at games na maganda.
  • DaH hIGh cLaSs-- touchscreen o kaya qwerty pad ang cellphone, malaki at kompleto sa features. mamahalin dapat at katulad sa artista,
      Kaya ilan sa ating mga kababayan, dahil sa mahigpit ang kompetesyon ng diskriminasyon mas lalong binabaon ang sarili para lang magkaroon ng cellphone na maipagmamalaki. Dati pa naman ang ganyang sistema ang masama tinaggap ng ating kultura. Sa mga kabataan at empleyado wag masasaktan sa mababasa. 

      Tinitiis ang gutom, sakit, at pagod kahit maulanan sa kalsada makapagtabi lang pera ay kuntento na. Ang mahirap nagsasangla, nangungutang at kung minsan para sa maarteng anak ang magulang nagpapakatodo kayod para makasunod sa uso ang anak. Nakakalunkot man po isipin pero para maging in ito po ang ginagawa natin.

      Cellphone na may munting gamit noon, saan na sumapit ngayon? Nagiging dahilan ng bastusan, siraan, lokohan at ang nakakabagabag ay patayan . KRIMEN!!!. Madali ang kita ng pera sa pagbebenta ng cellphone lalo na kung maganda. At alam natin ang tao ay hindi papatalo susunod at susunod sa uso kahit wala ng maipanglaman sa sikmura at maputulan man ng kuryente ang pamilya. Ang nakakatuwa pa po, ang cellphone ay tinaguriang most common accessory dahl always nakdisplay. Kaya hindi na ako magtataka kung maraming mga dukhang pilipino ang matukso at maudyok gumawa ng masama upang maging nitsa ng buhay ng marami at maging sanhi ng pagtaas ng krimen sa bansa natin.

      Sana mag-isip ka. Kung para saan ba talaga ang bagay na hawak mo. Huwag ka sanang magsawa mag-gm o group message ng mga paalala at sa iyong mga kakilala mag-pm ka o personal message bago pa mahuli ang lahat na sila na ang maging biktima ng ganitong kalakaran sa perlas ng silangan.

HOPE YOU LIKE IT...

      






   
     

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento