Sabado, Marso 24, 2012

wag kang susuko

(Sa makakabasa sana mo po ay magawan niyo po syang kanta, hindi po kasi ako marunong maglapat ng tunog para po ito sa lahat ng taong bigo patuloy na lumuluha dahil sa problema sana sa simple kong tula hangad ko mapasaya ka. Kayo na  rin po mag-edit. God bless)


Nahihirapan ka na ba,
dinadagsa ng mga problema.
Tila ang mundo ay galit sayo.
wala kang kakampi kundi sarili.

Sinisigawan ka na iyong amo,
Samantalang si nanay nag-aantay
Nagbabadyang manermon sa iyo
Para ka na lang nilang sinasanay.

Sa eskwelahan napahiya ka naman
sa harap ng iyong hinahangaan
pagalitan ka ba naman ng iyong guro
dahil sa mababa mong grado

Kinakabahan ka rin ba
Dahil wala ka ng pera
Paano iraraos ang bukas
Kung wala ka ng lakas.


Wag kang susuko, wag kang susuko
ang problema ay parte ng buhay
nagbibigay saysay at kulay
pinapatibay ka lang ng Panginoon
balang araw ikaw ay makakaahon....

Hindi na maipinta ang iyong mukha
ikaw sobrang pagod at balisa
Patong-patong na utos at gawain
mabibigat na mga suliranin



Pati ang pagniti iyong nakalimutan
Sa dami ng mga tumatakbo sa iyog isipan.
kaibigan na ubod ng pasaway
At karelasyong nakikipaghiwalay



Pilitin man takbuhan at talikuran
pagdating sa bahay tiyak problema nanaman
si nanay at tatay marubdobang nag-aaway 

Mga kapatid na kailangan asikasuhin dahil ikaw ang panganay.


Wag kang susuko, wag kang susuko
Dahil hamon lang ito
laging mo tatandaan, kailaman hindi ka nag-iisa
Basta tawagin mo Sya, ang Diyos na ang bahala
Wag ka ng luluha dahil lahat ay magiging ok na.....

Kaya wag ng malungkot

wag na rin sumimangot
Dahil ang buhay ay Masaya
Pag si Lord ang kasama..



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento