Lunes, Abril 30, 2012

Ang sasakyan at tagapagmaneho.








Ang buhay ng tao ay isang mahabang paglalakbay na kung saan Diyos lang ang may alam ng ating daang binabaybay. Bawat isa ay resposabli at may karapatan na simulan ang pagpapatakbo sa kanilang mundo. Ang ating pagkatao ay binubuo ng mga karanasang punong kasiyahan at kalungkutan. Tulad ng sasakyan maarawan man o maulanan, madungisan man o maputikan mas lalong tumitibay sa bawat pinagdaraanan. Kahit malubak o tuwid man ang landasin ito'y dapat tahakin. Dahil sa bawat eksena tiyak may mabuting aral itong dala.

Tayo ay dakilang tagapagmaneho ng ating gintong buhay. Tayo ang nagdedesisyon sa ating susundin na direksyon. Sa bawat paghinto may mga taong nagiging bahagi ng ating buhay ang ilan ay nagtatagal at sa atin ay napapamahal, ang iba ay biglang naglalaho kahit di mo gusto. Minsan may umaalis pero mayroon rin naman pumapalit. Marami ang nanatili, para sayo ay sumabay at gumabay. Bagamat mayroon pa rin ilan na sagabal sa iyong mga dasal. Ganyan ang kalakaran sa larangan ng ating pagkatao. Sila ang humuhubog at bumubuo kung sino tayo. Lahat ng klase ng tao ay nagsisilbi na nating pasahero na may kanya-kanyang kwento.

Anuman ang ating kaharapin kailangan magpatuloy pa rin ang pakikipagsapalaran. Anuman ang idikta ng tadhana wala na tayong dapat ikabahala o pagsisihan dahil matapos ang ating mahaba at nakakapagod na paglalakbay magiging sulit din ang ating pagkakahimlay sa mahabaging Niyang Kamay.
<

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento