Lunes, Abril 30, 2012

true L♥ve




Ang daming nagkalat na salita. Bawat letra may nais ipadama. Mga emosyong hayagan at mga lihim na pagtitinginan. Milyon-milyon tao ang bumubuo sa mundo. Alam ko na bawat isa sa atin ay nakatalga na para sa isang tao. Ginawa na ng tadhana ang daan at panahon para sa pagtatagpo ng inyong puso. At inayos ng Panginoon ang mga pangyayaring magaganap sa inyong dalawa.

Pero bakit ganoon. May mga taong pilit na nakikialam sa idenesenyo ni Bathala. Walang pakundangan sinisira ang relasyon ng iba. Tinatapakan at unti-unting nilalamatan ang masasayang nakaraan ng magkasintahan. THIRD PARTY uso na bang talaga??? Bakit tila lahat ay pabor sa kanila at madalas ang mga palabas sa telebisyon sa kanila pa sumasang-ayon. Ganyan na ba ang lipunan usapan praktikal kahit wala sa Lugar. Kawawa na nga ang iniwanan ngunit siya pa ang nagmumukhang makasalanan. HaIst ang pag-ibig ano na nga ba ang kaibahan nito sa SEX at MONEY??

Ou saksi ako sa relasyong puro taksilan. Nakakalungkot ngang isipin na kapag hindi ka nanloko ng tao hindi ka sunod sa uso. Kung mabibilang sa kamay ang iyong JOWA. I'm sure you don't belong na sa barkada. Maraming ganyang sistema lalo na sa mga kabataan mas inuuna pa ang landian kaysa pagtuunan ang pangarap ng kanilang magulang na magandang kinabukasan. Marahil hindi na rin ako magtataka kung ang mga naghahalikan sa telebisyon ay pabata ng pabata at ang malalaswang eksena ay pampubliko na. Anung saysay ng mga patnubay sa telebisyon kung wala naman gabay ang bawat minor de edad na nasa tahanan. Kung alam naman ng bawat isa na mga bata ang naiiwan nanunuod at hindi lingid sa kaalaman natin ang mga magulang ay hindi rin natin masisi dahil ang mga kabataan patigas na ng patigas ang ulo. Lahat ng idolo ginagaya kahit nakakasama na sa imahe nila.

Hindi lamang sa mga kabataan pati doon sa mga matatanda na nga ang babastos pa. Kung makapagsalita akala mo walang pamilya. Kanina naglalakad ako sa may kalsada para bumili ng ulam pero imbes na masaya akong uuwi dahil sa paborito kong laiing (ulam) ayon na badtrip pa ako sa nakita ko lipon ng tanders/gurang na kalalakihan na ng bobus sa mga dalagita OMG grabe na manyak sa mundo kahit saan naroroon. Kaya maraming pamilya ang nawawasak dahil sa makasariling pagnanasa ng ilan.

Ito pa, hindi na raw puso ang labanan kundi kayamanan. Sobra na ang lipunan nalipana ang mga mukhan pera. Hindi ko rin naman maipagkakaila na kailangan na talaga na maging praktikal tayo pero wag naman nating gawing negosyo ang mga boyfriend/girlfiend nyo. Masakit isipin na sa dahil lang sa pera kaya ka nakikisama. Pero wala ng sasaklap pa sa pag-ibig keme?? na sa KAMA nagsimula sa KAMA rin matatapos marahil alam niyo na ang ibig sabihin ko. Iyong tipong heaven ang feeling kapag ikaw ay kapiling. "one night stand" ika nga ilan. Ayon kakaone night hindi na nga one un halos every night na. Ginawa ng exercise tapos kapag nagbunga goraboom boom na babush eklabush. Walang pansitabing mawawala at ano pagkatapos ng lahat abortion na lang ang katapat>.<

Kaya saludo ako sa RELASYONG pag-ibig at pananalig sa Diyos ang nanaig. Dahil ang samahang puno ng puro at tunay na pagmamahal siguradong iyon ang nagtatagal. Kahit bagain pa nagbagyo, Sirain pa ng engkanto at paglayuin pa ng sakit. Kapag tunay na puso ang pinairal at kapag lagi rin nagdarasal malamang sa malamang ito'y bahagyan mayayanig ngunit mananatili itong matatag. Kahit magkaroon pa ng maraming pag-aaway alam ko sa huli sila pa rin ang mag-iibigan habang buhay. Ganyan ang seryosong relasyon wala sa babae, wala sa lalaki nasa kanilang dalawa. Ayon nga sa kwento ng pakpak..

APO: sino po ba ang dapat magdala ng relasyon?? babae ba o lalaki??

LOLO :apo ag relasyon parang ibon lang iyan ano ba ang dapat gamiting pakpak para makalipad ng mataas ung kanan ba o ung kaliwa??

APO: Lolo dapat sabay po para mataas ang lipad

LOLO: TAMA KA!! ganyan sa pag-ibig hindi mo pedeng iasa lahat kailangan magtulungan, magtiwala, at magmahalan silang dalawa dapat kumilos sila bilang isa. Dahil wala ng gaganda pang buhay sa piling ng taong nagbibigay sa iyo ng saysay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento