Saan Nga Ba Papatungo?
Ang lipunan sa aking pananaw
Ang lipunan sa aking pananaw
Marami ang nangyayari sa ating
bayan. Kaliwa’t kanang mga kaganapan. Mga bagay na hindi natin alam kung pawang
katotohanan o kasinungalingan. Mga isyu at balitang patuloy nating sinusubayan
ngunit hindi natin alam kung paano papaniwalaan. At ang mga katanungan na lagi
na lang naiiwan walang kasugatan.
Hindi naman lingid sa ating
kaalaman ang mga pangyayari sa ating bansa. Ang problema nitong kinakaharap at
kinakasangkutan. Sa nagdaang buwan sari-saring pagsubok ang ating naranasan.
Isa na dito ang naganap nakaguluhan sa Mindanao. Sa hindi ko malamang
kadahilahanan bakit ba ang dali dali para sa mga taong ito ang manggulo sa
sarili nilang bayan at pumatay ng kapwa Pilipino. Mataas ang respeto ko sa mga
muslim ngunit tila malaking kahibangan ang akinin at sarilinin nila ang
Mindanao.
Ang paglalagay ng kanilang watawat
ay isang bagay na may malawak na kahulugan. Dahil tuloy sa nangyari marami sa ating
kababayan ang naapektuhan ng malubha. Mga taong namatayan, nasunugan ng
ari-arian at higit sa lahat mga batang natruma nawalan ng pamilya. At sa aking
palagay may makapangyarihan tao talaga sa likod ng kagulahan at babakan sa
bahagi iyan ng bansa. Isang tao na
patuloy na nagpapakilos sa mga ito taong walang puso at makasarili.
Marahil nais nilang pagtakpan ang
balita sa pork barrel na kinakasangkutan ng pinakamalaki at pinakamayayaman na
tao sa pilipinas. Naging matunog ito at hanggang ngaun inaabangan ang mga
susunod na kaganapan. Kung paano lulusutan ni Janet Napoles ang state witness
ng kasong pork barrel. Sino- sino pa kaya ang mga taong nabibilang sa kasong
ito. Ng mabawi na ang 10 bilyon pera na ninakaw nila sa bansa. At
mapakinabangan na ng mga tunay na nangangailangan.
Hindi pa man tapos ang isyung ito sunod-sunod
na malulungkot at grabeng trahedya ang naganap sa ating mga kababayan sa
visaya’s. Nilindol ang bohol, nasira ang mga pinakamakasaysayng simbahan.
Marami ang namatay at nawalan ng tahanan. Hindi pa nga nakakaraos, sinalanta
naman sila ngayon ng bagyong Yolanda na kung saan libo-libo ang namatay.
Tuluyang nawalan ng kabuhayan at ang pinakamasakit hindi lamang sila nawalan ng
tirahan maging mahal sa buhay. Buong visaya ay apektado pa din at mistulang
ghost town. Problema pa din ay kung paano babangon at magsisimula matapos ang
nangyari.
Sa positibong bahagi ng sitwasyon
nakakatuwang isipin na marami pa rin mabubuting tao hindi lang mga Pilipino
ngunit maging mga dayuhan sa ibat-ibang panig ng mundo ay nagpapaabot ng
tulong. Sana lang ang tulong ito ay
galling sa puso at walang halong personal na interes tulad ng pagsakop sa bansa
o kung anu-ano pa. Magandang pakinggan na nagkakaisa para sa pag-ahon ng bansa.
Ngunit makakarating kaya ang tulong na ito ng buong buo? Anu na kaya ang
nangyari sa gobyerno ng bansa na hanggang ngayon mabagal pa rin ang pagusad ng
kanilang pagtulong na kung saan sila dapat ang pinakaaktibo sa usaping ito.
Ilan lamang ito sa mga lumikha ng
ingay at bumulabog sa kamalayan natin bilang tao. Kung gaano kabilis kumalat at
sumikat ang isang balita ganoon din ito kabilis maglaho at pumutak na parang
bula. Sa ngayon mainit na usap-usapan sa susunod iba na naman ang
pagpipiyestahan kahit wala pa talagang malinaw na panapos sa isyu nagdaan.
Hindi na inaalam at tila nagiging bukas tayo sa bagong kaalaman ngunit sarado
sa tunay na karunungan.
Dahil sa teknolohiya at social
media namulat tayo sa napakaraming bagay at hanggang dun na lang yun. Alam kong
marami pa tayong dapat matutunan pero pinagkakasya natin ang maliit na
informasyon na ito sa ating utak kahit napakadami pang dapat ilagay dito.
Marami pang dapat talakayin ngunit pili lang ang ipinaalam sa atin at ang
malungkot nakukuntento tayo sa kaalaman na ito na hindi naman dapat.
Ang pinakamalaking tanong paano ko
titignan ang lipunan matapos ang mga nangyari. Para sa akin walang direksyon
ang lipunan ito. Walang matibay na pundasyon at pawang kung ano lang ang idikta
ng medya at kilalang tao ayon ang alam natin. End of story na agad. Hindi
nasusulusyan ang mga dapat sulusyunan. Lagi nalang panandaliang lunas sa
problema an gating ginamit na kasagutan.
Ang mga mamamayan mismo ay ayaw
makiisa sa pag-unlad. Nakikipagtagisan na tayo ng husay at talino sa ibat-ibang
panig na mundo. At hindi mapagkakaila na magaling ang mga Pilipino. Sa nakikita
ko malapit na sana tayo sa pag unlad kaso may hadlang at tila may kumokontrol.
Magulo ang parehong simbahan at pamahalaan. May magkaibang opinion. Ang
gobyerno naman ay binubuo ng mga sakim na empleyado.
Dagdag pa dito hindi ko din makitaan ng potensyal
ang ilan kabataan ngayon tila iba ang priyoridad nila sa buhay. Mali na ata si
Rizal sa kasabihang kabataan ang pag-asa ng bayan. Kaya nanatili tayong
mahirap, yumayaman lang ang mga kapitalista o mga dati ng mayaman at ang mga
mahirap ay lalo pang humihirap. Oo nagbabago tayo nagagawa na nating sumabay sa
modernong mundo. Ngunit sa paraang wala namang patutunguhan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento