Bangon Pilipinas
4,011 katao na ang kumpirmadong patay karamihan dito ay mula sa Tacloban City.
18,557 ang sugatan
1,602 pa ang nawawala.
18,557 ang sugatan
1,602 pa ang nawawala.
Masakit isip ang nangyaring trahedya sa ating bansa. Hindi pa nga tayo nakakalimot sa naganap na lindol at bakbakan sa Zamboanga. May dumating na naman na proproblemahin. Nakakalungkot at nanakapanlumo ng sobra lalo na sa mga naapektuhan nating kababayan. Alam ko masakit at nakakadurog ng puso ang bawat kaganapan dahil may mga bagay na hindi na natin makukuha at maayos pa. At tanging pagtanggap na lang ang ating magagawa.
Pero “The Filipino Spirit are Brave. We will rise up and start again.” Naniniwala ako kahit ilang unos pa ang tumama sa atin bansa kakayanin natin ito. Magtutulong tulong tayo. Para sa ikakaunlad ng ating bansa. Ang mga kapwa natin ay nangangailangan ng pag-asa ipadama natin ito sa kanila. Kaya masayang masaya ako na lahat tayo ay aktibo sa pagtulong sa mga nasalanta at maging ibang bansa ay nagpaabot ng pakikiisa.
Kaya sama sama nating saksihan ang pagbangon ng pilipinas. Naway wala sanang kurakot o mga mapang abuso na tao na gagamitin ito para sa sariling kagustuhan. Negatibo man ang nangyari, na buo naman ang konsepto na wala sa lahi o kultura basta tayong lahat ay tao at may papanagutan sa mundo.
To all the people all around the globe I salute and thank you from the bottom of my heart for the kindness and help you share. Spiritually, emotionally and most of all financially. If the day will come you need us we will always be happy to support you. God bless us all :)
PS :Sana makonsensya na ang mga sangkot sa pork barrel.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento