Lunes, Enero 27, 2014

Sa Gilid Ng Mga Mata ( Super Short Love Story)


Malamig ang simoy ng hangin. Kaya naglong sleeves ako na gray, pants at red na doll shoes saktong buhok na nakalugay. Shit ang lamig pa din pero 7am na. Nakatayo pa din ako sa kanto. Nagaantay ng jeep pa divisoria. 11Na ung dumadaan pero lahat puno. May kunting space man di na ko sumasakay baka maging upong hangin ako. Sinabi ko na pagpuno ung pang 12 maglalakad na ko pa unciano. Sakto may bumaba sa tapat ko at sumakay naman agad ko.

Medyo masikip piling ko tres lang binayad ko sa dyip. Puro reklamo na ko sa utak ko. Nakakastress. Tae ang taba ng katabi ko. Ang hirap magadjust ang lakas pa ng stereo ng jeep na nasakyan ko ei nakaheadset ako lagi so ndi ko na narinig yung pinapakinggan ko. Tinanggal ko muna ito, syempre yumuko para ayusin ung cp ko. At saktong pagtinggala ng ulo ko. Akoy napatula.

Piling ko lahat nag freeze. Yung tugtog nachinito ni yeng ang hina hina. Nakaramdam ako ng init. Putcha ndi ko naadvice yung crush ko na chinito, gwapo, clean cut, maputi medyo matangkad at pamatay kung ngumiti yung katapat ko. Parang mahiwagang nadama ng tumama sa kanya ang aking mata. Pambihira di ba swerte ko sobra. Hindi ko na alam yung itsura ko. Alam ko galit ako sa mundo dahil sinisiksik ako pero hindi. walang puwang ang salitang badtrip sa aking puso.

Nakatitigan kami medyo matagal at para bang ang bagal ng mundo tapos parang kami lang yung pasahero. Nakita ko medyo ngumiti sya pero kunti lang pakiramdam ko pwede na kong mamatay bukas. Hinintay ko tong mangyari buong college life ko. Bihira ko lang syang matyempuhan kasi magkaibang bldg kami. Shit talaga ndi ko alam yung gagawin. Ayaw kong matapos yung eksena. Lumilipad na yung imahinasyon ko kasama sya. Slow motion lahat. Ang bilis ng pintig na puso ko. Yung pagkabog na aking dibdib na “dugdugdug” naririnig ng tenga ko kahit 100% pa volume ni manong.

Pero minuto lang yun kasi bumalik na kami sa real world na trapik. Dahil kay ateng nagpapaabot ng bayad. Inabot ko naman. Binaling ko na yung tingin ko sa iba. Kahit anu na tinitignan ko sapatos ni manong, cutics ng aleng umaabsent sa ibang kuko, Yung katapat na jeep sa bintana at sa likod. Yung mga sasakyan sa unahan.As in lahat wag lang magtama yung aming mga mata. Pero sa gilid na aking mga mata ndi ko maiwasan tumingin at nahuli ko rin syang nakatingin. NAKAKAKILIG. Lord gusto kong himatayin. Yung tinginan na kami lang nagkakaintindihan.

Ito ang unang araw ng buhay ko na pinagdasal ko na sana tumagal pa yung trapik. Pero green lights na. At ang kanta na magkabilang mundo ay patapos na rin. Kailangan na namin bumaba sa pureza. Ayaw kong bitawan ang mga kataga “Manong para” dahil malapit na kami sa ending. Nakakainis ang ending bakit 20minutes lang ang byahe ko. Hindi ko na ulit alam kung kailan kami magkikita. Kung ganoon pa din ba sya ka good vibes. Natatakot ako sa katotohanang madami na naman ang araw na magdadaan bago kami muling magtagpo. Malungkot.
Nagpara na sya hinila ang mga tali na tumunog agad. Nagulat ako habang inaayos sa balikat ang aking bag dahil yun na sana ang gagawin ko. Pinauna nya ko napakagentleman nya. Naglakad na kami papuntang tricycle. Halos magkasabay na kami. Ang bango bango nya. Gusto kong lumapit pero ndi pwede bawal malandi.

Sa gilid ng mga mata tinitignan ko sya. Kahit saglit lang. Pls naman wag ka sanang manukso natutuwa lang ako sa katulad mo. Walang makakaalam wala naman akong pagsasabihan. walang dapat mangyari dahil andito lang ako sa tabi.

Sumakay na ko sa likod ng tricycle na pula pinagmamasdan sya naglalakad. Magandang katawan, Chinitong mga mata, Makinis na mukha suot ang navy blue plain tshirt pantalon na brown at bag na backpack. Iniisip ang mga posibilidad na Lord sana sya na lang po aalis na ko sa pgiging NBSB basta sya kaloveteam. Papalayo na ko ng papalayo hanggang sa maglaho na sya sa patingin ko.

PS: Story only walang pinaghugutan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento