Jealous in the Blood
Selos sa tagalog malamang ano pa nga ba? Limang letrang salita pero kakayan-kayanin ka. Kung minsan manasusunod at mas matalino pa sa iyong isip at puso. Salitang mahirap aminin at tanggapin. Emosyong nararamdaman lang natin sa mga taong ating pinapahalagan. Sa totoo lang wala naman mali sa salitang ito. Hindi naman ito dapat katakutan o takbuhan kasi isang normal na emosyon lang ito ng tao. Bagay na napakatural lang sa taong tunay na nagmamahal. Pero bakit ganoon kahit alam nating isang normal na pakiramdam lang ito kahit anong gawin nahihirapan tayong dalhin ang sarili pag ito na ang nangibawbaw sa atin. At para bang lahat nag aspeto ng ating pagkatao ay unti-unting sinasaklaw. Malala pa nga niyan sa huli ikaw ang nauuwing talunan kapag hindi mo napanindigan. Pwedeng kasing sa iba sweet kaso sa iba ang dating ay masama na, OA kung baga.
Selosa at seloso iyan ang tawag sa mga taong mahilig magselos. Kasalanan ba ang magselos? Kasalanan ba na protektahan natin ang ating mahal? Kasalanan din bang maging madamot sa mga bagay na dapat pinagdadamot? Kasalanan bang matakot maiwanan ng taong iniingatan natin ng lubusan? Ano sa palagi mo? “Sa akin ka lang!!” Salitang ang sarap pakinggan pero kung minsan hindi natin maiwasan hindi maintindihan. Bakit kaya? Sabi ng marami mahirap magmahal ng taong selosa/seloso kasi gagawin ka nilang buhay nila. Yung tipong obligasyon mo na sila hanggang pagtanda. Ang araw at gabi, bawat segundo, minuto at oras ay dapat nilalaan mo sa kanila. At sa huli parang wala ka na minsang kapangyarihan sa sarili mo. Ang laking batok sa iyong ulo kapag iniwan mo sila kasi sila ung mga tao na pagnagmahal higit pa sa sarili nila at lahat ibibigay as in lahat ng makakapagpasaya sayo at maging kanilang buhay.. At ang nakokonsensyang parte ay makita silang lumuluha dahil sayo kasi matik sa mata ng tao ikaw ang may sala kasi sila iyong nakikitang nagmamahal ng sobra. Pero di ba lahat ng sobra nakakasama. Higit sa lahat ang pagbabawal ay nakakasakal. Alam mo iyong hindi ka lang makatawag at makapagtext o kahit malate ka lang gawin ito tamang hinala agad. Tapos parang isang malaking krimen kapag nakipagusap ka sa iba. Tila sesentensyahan ka na kapag nakita kang may kasamang iba at ang moment ay masaya kayong dalawa. Aba humanda ka sa gyera. Over protektive ba ? Obssed? O desperado lang talaga na wag kang mawala sa kanila? Ang hirap … Siguro minsan ginusto mo din gamitan sila ng gantong katwiran. ”Hindi lang tayo dalawa ang tao sa mundo at hindi matatapos ang lahat sa salitang tayo” Minsan kailangan din nating sabihin ang totoo kaso ang hirap. Nakakatakot din mawalan ng isang taong handa kang ipaglaban. Aminin.. ung mga taong Selosa/Seloso mahirap silang intindihin kasi minsan nakasarado ang utak nila sa mga paliwanag mo pero di ba sila lang ang tao mapapatunayan na seryosong nagmamahal sayo. Sila ung mga ubob sa lambing at Nanay kung mag-alaga. In short sila ung taong nakakamiss pagnawala.
Pero sa lahat ang pinakamahirap ikaw yung taong un .. Ung Selosa/seloso pero sa kasong wala kang karapatan sa taong iyong pinagseselosan. Ang pakiramdam na wala kang magawa kahit sasabog ka na sa sobrang selos. Ang Selos na tinatago. Ang sikip kaya sa dibdib na gustong-gusto mo ng umiiyak pero bawal kasi wala kang karapatan, ung gusto mo na lang iuntog ung ulo mo sa pader. Kaso ang kapupuntahan lang niyan ay isa matang namumugto sa luha. Tapos pakanta kanta ka na lang kunyari masaya pero totoo nagmumura ka na sa sarili mo. Kaya nga humahanga ako sa mga taong instant matapang kapag nakakaramdam ng selos kasi lahat nasasabi nila ng walang pakundangan at alinlangan. Ou ung iba may karapatan pero dun sa mga wala ng K tapos nakapaglabas ng gantong emosyon at nakapagbitaw ng mga salitang hindi niya inaasahan. Kahit na hindi nila alam ang maaring maging resulta. AMAZING …Kunti lang kasi ang mga taong may ganyang lakas ng loob. Kasi ung iba nakukuntento na lang sa ganyan sitwasyon. Sitwasyong manhid na sila. Pusong mga bato na. Hindi ko rin naman sila masisi. Kaya lang di ba mas masakit ang sakit na paulit-ulit. Kahit magpanggap ka pang ok ka. At kahit ikubli mo pa ang sarili mo sa salitang immune na ako. Hindi mo pa rin matatanggi na nasasaktan ka talaga at may kirot ka pa rin nadarama. “Tongues can Lie but Heart can’t deny” pero Linya nga ng mga taong seloso/selosang duwag “If only I COUND, I WOULD :’(“
Tulad nga ng sinabi ko Selos normal na bagay damdaming mahirap kontrolin kasi na sa dugo na natin.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento