Sabado, Pebrero 1, 2014

Kapag Nagmahal Ka

Kapag nagmahal ka. Sigurdong masasaktan ka. Kasama yan kapag nagmahal ka. Kaya maghanda handa ka na kasi dadating yung araw na iiyak ka ng dahil sa kanya o mag-aaway kayo dahil sa isang hindi pagkakaintindihan o kaya dahil sa selos. Masasaktan ka at iiyak ka. Kasama yan. Hindi naman pwedeng palagi ka na lang kinikilig at nakangiti dahil sa kanya, diba? May araw talaga na magkakaroon kayo ng tampuhan kasi sabihin nyo pang hindi ka magtatampo o magagalit sa kanya. 

Kapag nagmahal ka, dapat may tiwala ka sa kanya. Para kahit magkalayo kayo ng taong mahal mo, hindi ka kagad magdududa sa kanya. Hindi ka magseselos kaagad. Kelangan ng tiwala kapag nagmahal ka, para magtagal yung relasyon nyo at mabawasan yung mga pag-aaway nyo.

Kapag nagmahal ka, siguradong palagi ka ng naka-ngiti. Araw-araw kang good vibes at blooming. Kapag nagmahal ka, kikiligin ka. Yung kahit simple lang naman yung ginawa nya para sayo pero kinikilig ka pa din. Diba? Kahit paulit-ulit nyang ginagawa yun, kinikilig ka pa din diba? Yan, kasama yan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento