Sabado, Pebrero 1, 2014

Read this

Alam mo ba kung bakit may mga taong nagpapakatanga sa pag-ibig?



Kasi may mga taong umaasang sila yung lead sa isang love story na kung saan marami silang paghihirap na mararanasan sa pag-ibig nila at sa huli, kahit gaano man kadami ang 
pagsubok, malalagpasan nila yun at magkakaroon sila ng happy ending sa taong mahal nila. Unfortunately, konti lang ang nagigising mula sa bulag na pag-asa na ‘to. Kung sa fiction o telenovela, ‘pag sinabi sa plot o sa script na magkakatuluyan sila, kahit pa umulan man ng bulalakaw, maging square man ang mundo, o sumulpot man ang chupacabra, sila at sila pa rin magkakatuluyan pero sa tunay na buhay, walang script, walang plot.. Hindi mo malalaman kung nasa lead role ka ba o dakilang extra ka lang. Masaklap pa nga baka kontrabida pa role mo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento