Miyerkules, Pebrero 26, 2014

Si Pepe


Bayaning 3rd World

“ Hindi mo hinarap ang kamatayan, kundi hinanap mo”
– Ricky Davao
“Hindi para maging bayanin, hindi mababago ang tinakda ng tadhana, pero mababago ang tinakda ng tao.”
–Joel Torre

                        Sa simula pa lang ay nakakitaan ko na ang pelikula ng kagandahan at interes kahit black and white pa ito. Napakahusay ng pagkakagawa kahit pa sabihin nila boring ang pelikula para sa akin ay napakagaling ng nagsulat, director at producer nito. Nagawa nilang pumili ng magagaling at kahanga-hangang artista para magbigay kulay at buhay sa mga tauhan na malapit at may malaking kinalaman sa pambansang bayani na bansang pilipinas. Bukod pa rito ang bawat tauhan ay naging epektibo sa paganap mula sa mga bida sila Ricky Davao at Chris Villanueva hanggang sa mga binuhay na tauhan  na sila Teodara, Josephine bracke, Trining, Narcisa at iba pa. Napanindigan nila ang kanilang tauhan at hindi nagkulang lalo na ang gumanap na Rizal na si Joel Torre.

                        Mula sa tauhan na wala kang masasabing masama dahil sa husay. Hanggang sa naging tagpuan makatotohanan bahagya. Wala man akong gaanong alam sa kasaysayan ang naging tagpuan ng pelikula para sa akin ay naging kulang. Kulang sa pagpapatunay at masyadong naging paulit-ulit ang gamit. Sa costume naman ay talagang pinaghandaan at pinagisipan. Ganoon din ang mga props at maliit na detalyeng inilagay na nakatulong upang pagandahin ang pelikula.

                        Masasabi ding malupit ang nagsulat nito dahil hindi nya ginawang katawa-tawa ang buhay ni Rizal. Pinatunayan lamang nya na maari kang maging malikhain sa pagkwekwento ng isang bagay na may kinalaman sa kasaysayan. Hindi mo kailangan ikulong ang sarili sa kumbensyong nakasanayan na ng tao. Naging epektibo ang ginawang pagatake. Ang gawing makatotohanan na nakakausap ng present persona ang mga taong nasa nakaraan na tila isang kaibigan na nabuhay din sa kasalukuyan.

                        Ang panimula ng pelikula ay nagpakita agad ng mga mahahalagang kaalaman tungkol sa bansa. Ang pagpapakita ng mga pambasang sumisimbolo sa Pilipinas ay isang malaking pagbabalik tanaw para sa kabataan at sunod-sunod na henerasyon dahil sa tunay na buhay marami ng Pilipino ang binaon ito sa limot at tila pinagkasya na lang ang sarili sa hula-hulang hindi naman tama. Magandang ipapanuod ito sa kanila para tama na ang isasagot nila sa mga batang matatanong tungkol dito.

                        Tulad ng din ng ibang kabataan hindi naman po talaga ako fanatic ni Jose Rizal o ng kahit sinong bayanin ng Pilipinas. At wala naman po talaga akong intere sa kasaysayan ng Pilipinas. Opo natutuwa ako kapag may natutuklasan akong bago tungkol sa bansa pero hindi ko naman ito ganoon pinahahalagahan. Hindi sa wala akong pakialam pero dahil sa aking sarili marami rin akong tanong at pilosopong bagay na gustong malaman pero alam ko nangangailangan  ito ng malalim na pag-aaral at wala naman akong panahon para roon.

                        Ito ang unang pagkakataon ko makanuod ng ganitong klaseng pelikula. Hindi boring, may laman at marami kang matutunan kahit ang paksa ay kasaysayan.

                        Hindi lingid sa aking kaalaman ang tungkol sa ginawang santo si Rizal. Sa totoo lang po sa aking sariling opinion ang sambahin si Jose Rizal ay isang katangahan at sa tingin ko hindi naman din gusto ni Rizal na maging panginoon ng kahit anung kultong samahan dahil kong iisipin ang nais ni Rizal ay maging manggamot ng ating bansa hindi maging Diyos kaya nga sya nagdoktor para hanapan ng lunas ang lumalalang sakit ng lipunan.

                        Alam kong parte na nagpalaki ng isang batang Pilipino ang pag-aralan ang buhay ng taong ito naitinuturing nating bayanin. Ang makasama sya araw-araw dahil sya ay nasa piso natataktak Pilipino. Kaya wala ng ligtas ang lahat kundi aralin ang buhay nya dahil na sa saligang batas din ito ng bansa. Kahit na para sa ibang batang tulad ko ay gasgas na ang talambuhay nya. Pero ng panoodin ko ito tila marami pa akong nalaman at natuklasan sa mga bagay na nanatunan ko nagkaroon din ako kalituhan at panghuhugas sa isip ko sa taong ito na sobrang special dahil ang birthday nya at death anniversary ay walang pasok.
                       
Si Rizal ay galing sa marangyang pamilya at alam natin itong lahat. Pero hindi rin naman naging madali ang lahat ng pinagdaanan nya at panindigan ang mga ginawang aksyon at desisyon nya. Ang kanyang naging paglalakbay sa Europa ay nakatulong ng sobra upang mas lalo nyang makita ang mga sakit ng bansang kinalakihan nya.
L
                        Bakit nga ba si Rizal ang pambasang bayanin? Bakit ko tinatanung ito may magbabago ba kung kumantra ako pero wala naman din akong pakialam kung karapatdapat sya o hindi? Bakit kailangan sa bagong bayan? Biktima lang ba sya? Inosente tao ba sya? Ilan tao yung bumaril sa kanya? Atsaka may audience ba nung binaril sya? O isa lang syang lalaking ordinary na gumawa ng ingay sa mundo para makilala? Alagang aso ba yun ni Rizal? Bakit hindi na lang sya nagpakamatay sa sarili nya? Ang arte arte din ng iba nyang kapatid bakit hindi na lang tanggapin si Josephine kairita ei babaero naman talaga si Rizal. Paano nga kung kinulong lang si Rizal tapos pinahirapan ng bongga sasalikaya sya sa himagsikan? Paano ung hindi sya binaril pinatapon lang sa ibang bansa papakasalan nya kaya si Josphine ng maayos sa simbahan?Nagbalik loob ba talaga sya sa pagiging katoliko matapos ang mga masasamang sinabi nya dito. Pasikat lang ba talaga sya o tunay na nagmamalasakit sya sa bansa ?
                        Matalino si Rizal at napakamakata nya sa lahat ng bayanin sa kanya lang ako nagaksaya ng oras. Hinahangaan ko ang galing ni Rizal sa pagsulat. At ang katotohanan na bawat laman ng nobela, tula, sulat at sanaysay ay mga nakatagong mensahe para sa mga mambabasa.
                        Ang paglalakbay ni Rizal ay hindi naging ganoon kadali ang mamulat sa katotohanan at isama ang kababayan sa kanyang pagkamulat. Lahat ng ginagawa nya ay pinagisipan nya ng husto at pinaninindigan nya ito.
                        Wala naman akong nakikitang mali sa pagpapakasal ni Rizal at ni Josephine Bracke. Hindi naman sana magiging isyu ito kung hindi lang kailangan ni Rizal na bumalik sa pagiging katoliko. Yun naman ay magpapakita na ng karuwagan at walang pagpapahalaga sa karunungan na ipinakalat sa bawat nobela. Dapat sana mayroon lang ibedensya o napirmahang na dokumento bilang patunay. Yung hindi peke bakit kasi hindi naimbento dati ang CCTV camera. Gusto ko sanang malaman kung bakit napadpad si Josephine Bracke sa dapitan anung dahilan. Hindi ko rin makita ang sinasabi ni Rizal na maamo si Josephine kasi para syang may pagkamataray at palaban. O baka nagkamali lang ng karakter na ginamit hmmm…
                        Maganda ang punto ng kwento lalo na sa parte ni Narcisa. Naisip ko din po yun bakit hindi na lang sya tumakas nung may pagkakataon pa sya. Maganda ang naging tugon ni Narcisa naging makatwiran si Rizal mali naman talaga ang ginawang paggamit sa pangalan dahil hindi naman talaga sya sumang-ayon sa himagsikan. Lahat ay nangailangan ng taong masisi, ang mga kastila, mga rebelde at simbahan naipit lang si Rizal dahil sya ang napiling biktima. Kawawa naman si Rizal
                        Ang restraction ay naging malaking katanungan sa buhay ni Rizal. Sa kwento ni Trining ito ay totoo. Nakakaawa si Trining dahil hindi man lang inintay ng mga tao ang pagkamatay nya bago gawing koleksyon ang gamit ni Rizal. Nakuha pang magpaispiritista. (Totoo ba talaga yun?)
                        Ano ung sagrado Corazon. Curious?
            Kung tutol talaga si Rizal sa paniniwala ng mga katoliko bakit sya nagkumpisal ng maraming beses, bakit sya nagpamisa parang lahat ng akda nya ay nawalan ng kwenta. Kaso ang hirap din paniwalaan ang kwento ng pari dahil kaiba ito sa mga kwento ng pamilya ng pambansang bayani.
            Atsaka para kanino ba ang tula, kay Josphine o sa kapatid bakit hindi na lang kasi pinangalanan ni Rizal para walang away. At ang lakas din makakontrabida role ni Josephine Bracke. Parang isa talaga sya sa mga gumawa ng ingay sa buhay ni Rizal.
Ang pangangatwiran ni Rizal ay naging isang malaking aral. Kung nagbalik loob nga sya sa pagiging katoliko ay isa sa mabibigat na tanong na hindi nasagot ngunit kung nagbalik loob nga sya maituturing syang duwag pero ito ay tataliwas na sa lahat ng kanyang akda.
            Natapos ang pelikula ng hindi nasasagot ang ilang mga tanong. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento