Magkaiba un. Sa skul hindi lahat ng tinuturo natutunan mong seryoso at hindi lahat ng di tinuturo ay hindi mo pwedeng matutunan. Minsan mas masarap malaman ung mga bagay na sariling sikap mong natuklasan kesa sa mga bagay na isinusubo na lang sayo bahala ka tanggapin iyan. Maintindihan mo man o hindi at kahit magsumbong ka pa kay tulfo at sumulat sa wish ko lang wala kang magagawa kailangan mong labanan lahat ng pinapakain sayong kaalaman masarap man yan o hindi. Wala kang choice kundi nguyain at isubo kahit sukang suka ka na dahil araw-araw ganun.
Gigising at babangon para makisalamuhan, makipagsisikan sa jeep, lrt tatayo sa bus.. At dadamhin ang polusyon. Uupo ka magmumuni kunyari, iisipin kong paano ka na naman magiging artista mamaya. Paano ka tutungo na parang nagets mo talaga lahat ng sinabi ng teacher mo. Paano tatawa ng natural kahit wala naman talagang nakakatawa sa kwenikwento ng teacher mo. At higit sa lahat syempre paano ka sasabay sa mga mabubuti at masasamang nilalang ng Diyos na tinatawag ng CLASSMATE
Hihinga ka syempre at nanamnamin ang ginagastos na pera ng magulang para ka grumaduate. Wala na silang pakialam kung binubully ka ba sa skul, masaya ka ba sa course mo, o may problema ka ba sa mga subjects mo o ndi naman kaya sinong teacher mo ung gusto mong ipamurder natin anak. Wala un as in wala. Mahalaga sa kanila na wala ka sa bahay at pagkatapos ng apat na taon may matatanggap silang diploma. At babarilin ka nila pag hindi ka nakahanap ng magandang trabaho. Ang saya di ba ? Ganyan ang schooling .. Mas complet attendance ka pa sa prof mo. At kung minsan mas malaking pera mo ang nawawala ng ndi mo alam kung saan napupunta dahil sa walang katapusan na ambagan. Sabi nila libreng matuto oi joke ba kayo. Kung libreng matuto wala na sanang pokpok sa mundo, drug addict o kriminal kung walang kinikilingan ang pag-aaral.
Ang tunay na karunungan ay natutunan sa karanasan. 90%experience 10%turo ng libro at tao (kahit sino wag kang tumigil makinig sa mga bagay na sinasabi sayo mahalag man iyan o hindi, naniniwala ako na darating ang panahon magagamit mo din iyan. At mas masarap sa pikiramdam ng may nakikinig sayo ipadama mo iyon sa iba wag kang selfish at piling genius piling mo lang matalino ka piling mo lang un nafefeel ko din ian minsan pag 5yrs old kasama ko hahaha:) pero ung totoo sa buhay madami pa tayong dapat malaman at kailangan maintindihan) Ako nga kahit gusto ko iunmute ung mga bagay at kahit hindi ko seryosong naiintindihan nakikinig pa din ako. Kasi alam ko hindi ko man sya naintindhan ng lubusan darating ung tamang tao na magpapaliwanag sa akin niyan. Mamaya baka ako makakorek sa sarili ko. Basta hindi tlga ako magsasawang makinig kasi alam ko ung pakiramdam na hindi pinapakinggan. At hindi ako pusong bato para ipadanas un sa ibang tao.. Going back hahaaha kailangan my insight kemerot ako:) ok back to business. Ganoon wag kang huminto pagkalap ng kaalaman. Hindi lang natatapos sa apat na sulok ng kwarto at sa angels in demon mong guro ang pagkatuto. Minsan nasa labas literal na labas.
Bakit ang pagkakaibigan ba tinuro sa skul hindi naman di ba ? Natutunan mo iyon ng natural. Aminin mo man sa hindi ito ang pinakamagandang bagay na nalaman mo. bukod sa pairalin ang kalandian powers mo sa crush at pagsyosyota ng mga anime at kpop? Isa iyan sa halimbawa na sinasabi ko nanakapagod kayang sumabay sa bulok na systema ng pag-aaral. Kaya kung normal ka lang na tao nageenjoy ka na sa gawing ito pero kung abnormal ka magrereklamo ka na. Isipin mo na lang ung ginagastos at hirap ng magulang mo sa pagtratrabaho ei kung sa tutuusin pwede naman tayo mag-aral at makatapos sa loob ng 2 taon ng nakukuha ang degree gusto natin.. Nakatulong na sana tayo sa bansa at mahihirap natin kapamilya. Ang problema kasi pati pagbabahagi ng kaalaman nenegosyo.
Wala na talagang libre sa mundo. Lagi na lang yumayaman yung mayayaman na ngunguna sa gawing ganyan. Tapos kawawa lagi ung mga pinanganak na kapus sa pera laging gutom sa pagkatuto at partida lagi pang nahuhusagahan na bobo. Ang lupit ng earth no. Wala naman sigurong bata na hindi na ngarap sumulat sa blackboard o makabasa ng abakada. Nagkataon lang wala silang pera pambili sa libro pangkain pang recess, pamasahe araw-araw at higit sa lahat pambayad sa project na sana hindi pagandahan kundi patalinuhan.
Masarap matuto lalo na kung may inspirasyon ka tulad ng pamilya at syempre pangarap na trabaho. Bukod sa masaya ka na, natuto ka pa. dapat sana ganyan lang sa skul para chillax lang. Para you are learning and loving everything. Kaso ang problema hindi ako fairy God mother para gawin balance ang mundo. At hindi ako si bill gates o si obama para itama ung sistema. Hanggang sulat at blog lang ako.
Nakakalungkot lang ung pakiramdam na tulad ng naexperience ko dati. Nakipagusap ako sa bata na mahirap i mean literal no parents, no money, no food, no clothes and shelter. Wala lang, naawa ako nilibre ko tapos nakipagkwentuhan ako. May lahi din akong boy abunda :) ayun nagshare ng story syempre ang haba na nito pagkwenento ko pa. basta ung ending ayaw niya ng pumasok sa skul magaasawa na lang daw sya ng foreigner para matulungan ung kapatid niya at hindi naman porket ndi sya nakapagaral bobo na sya maalam din sya un nga lang sa larangan ng buhay hindi sa larangan ng pasikatan na nakagawian sa paaralan. Narealize ko lang pera na talaga nagpapaikot sa mundo. Masaya ka man o hindi sa buhay basta mahalaga may pera ang bulsa mo. At may ipanlalaman ka sa kumukulo mong sikmura.
Dati akala ko basta wala kang sakit kasama mo pamilya mo ok na. Ngayon kailangan ko ng matuto, makatapos at maging Syempre writer kahit saan pa iyan basta gusto ko maging writer. Pero kung papaladin madiscover magaartista ako syempre hahaahaa eme lng syempre passion ko ung pagsulat hindi ko naman isasaalang ung first love ko para sa bago da ba?? Basta nageenjoy ako magturo sa mga batang wala ng ginawa kundi pangitiin ako kahit gusgusin sila basta hindi man nilang naranas pumasok sa skul atleast na paramdam ko na masarap matuto. Darating ung panahon na ung maliit na tulong na nagagawa ko ngayon magiging boombastic. Gagawa talaga ako ng sarili kong skul ung ako ang batas at walang studyante masstress at malulungkot dahil bagsak sila. Gusto ko masaya silang babangon sa umaga, kakain ng almusal at kahit mahirapan sila sa byahe nakaingiti pa rin silang papasok kasi gusto nilang seryosong matuto at gagawin nila un dahil mahal nila ang ginagawa nila at walang anino ng konsensyang ng didikta sa kanila.
ANG HABA !!!!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento