Ulam na Tatak Pilipino
Proud akong maging Pilipina dahil sabi nila ang mga Pilipino ay isa
sa mga talentadong tao sa buong mundo lalo na sa pagluluto. Kaya hindi
maipapakakaila na marami sa ating mga kababayan na chief ay sikat na sikat na
namamayagpag sa larangan ng kusina sa ibat-ibang bansa kaya naman
pinagmamalaking kong tunay ang perlas ng silangan kung saan magagaling ang
aking mga kababayan.
Adobo ang pambasang ulam ng mga Pilipino. Sikat na sikat sa hapag
kainan may pagdiriwang man o wala. Napakasarap ng pagkakagawa sa adobo. May iba-ibang paraan ng pagluto nito. Maaring
mong experimentuhan kahit anung sahog ang ihalo basta tama ang lasa pasadong
pasado na sa dila. Kaya naman gustong gusto ng marami bukod sa madaling lutuin
murang mura lang din ang mga sangkap. Minsan pa ngang naikumpara ang babae sa
adobo “Ang babae parang adobo hindi masarap kapag walang toyo”. Ganyan tatak
pinoy ang adobo kahit sinong Pilipino ay kilala ito. Maging mga banyaga ay
nahuhumaling sa sarap ng amoy at malinamnam na lasa.
Isa pa sa mga tatak pinoy na ulam ang sinigang. Napakasarap din
nito at most wanted sa karenderia dahil sa lasa nitong dala. Bawat higop ng
sabaw kakaibang init ang nabibigay kaya naman babalik-balikan mo talaga.
Mabentang mabenta sa kahit saan Katina ang sinigang dahil sa asim at sarap
nanuot dito. Hanap-hanap din ito sa kahit sa kainan o handaan Pilipino. Madalas
pa nga mga bata ang may gusto nito. Dahil tunay na masarap at halos paborito
rin ng marami.
Parehas naman pwedeng baboy, isda at manok depende kung paano mo
ititimpla ang adobo at sinigang na sa paraan ng pagluluto ang sekreto. Maaring
maging tradisyunal o moderno basta ang mahalaga nagluluto ka ng galling sa
puso. Kasi maraming mga sabik na bibig at labi ang gustong makatikim ng
kakaibang linamnam kaya naman kahit matagal itong lutuin ang mga kakain ay
matiyagang naantay kasi ung kanilang pagaantay yun yung pamatay. Na sa bawat
subo ay isang lasang hindi mo makakalimutan. Alaalang na pagsaluhan ng buong
pamilya angkan, kaibigan o special someone dahil sa simpleng kainan doon na
bubuo ang kulitan, tawanan, at kwentuhan na minsan na kakaligtaan dahil sa busy
ng mundo. Kaya anuman ang ulam mo, sinagang man o adobo mahalaga ay maenjoy ang
simpleng kaligayahan na makakain at maibahagi ito sa iba. Tara ihanda ang kanin
at lamesa at Tayo Kumain Na!!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento