Past, Present, Future. Bata pa lamang tayo ay itinuro na ito sa atin. Mga salitang may malalim na ugnyan hindi lang sa paaralan maging sa ating katauhan.
Ang ating mga pinagdaanan ay madalas nating binabalikan dahil sa mga karanasan na tumatak sa ating isipan. Mabubuo ba ang nakaraan kung hindi natin haharapin ang kasalukuyan. Dito gumagawa tayo ng aksyon at desisyon na kung saan nakasalalay ang ating hinaharap. Maraming mga plano at mga pangarap ang hangad nating matupad sa ating buhay.
Napakahalaga talaga ng tatlong salita ito. Pagpinaglagpas mo ang panahon ay para ka na rin nagsayang nagpagkakataon. Sa ating buhay bawat segundo binibilang, bawat minuto dapat
kapakipakinabang at bawat oras ay gawin mong masayang sandali dahil lilipas ang araw dararating bukas mamalayan mo na lang isang umaga na lahat ay isa na lamang kwento ng kahapon. Doon mo lang mapagtatanto na hindi na mababalik pa ung alaala at mga taong minsan mong nakasama. Kaya kapag binigyan ka ni doraemon ng time machine ito ay iyong sulitin o pagisipan gamitin. Dahil minsan may mga pangyayari na tanggap natin at mayroon din naman gusto natin baguhin. Sa huli sana magamit mo ito ng tama dahil ang mga bagay na nawala ay mahirap ng ibalik pa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento