Ito ung tipong nakaheadset ka tapos pinapakinggan mo ung mga kantang gusto mo habang nakatingin ka sa bintana ng bus na umaander. Suddenly ung music na nagpapaalala sayo ng maraming bagay biglang magpleplay. Wala na emo mode ka na. O kaya ung tipong pagdating mo sa bahay mag-isa ka lang. Malamig nakakaantok masyado gusto mong matulog pero ndi ka makatulog kasi malakas ung buhos ng ulan. Ayun nauwi ka sa mga imagination na wagas. O baka ung tipong nagkakape ka lang bigla mong nahagip ung larawan ng isang espesyal na tao. Iniisip mo na sana magkasama kayo kaso hindi pwede magkalayo kayo. O habang kumakain ka ng mainit na sopas/lugaw bigla tugtog ung love song na paborito mo sa radio. Siguro sa bawat patak ng tubig ng ulan, ambon at o ulang seryoso may mga maliit na kwentong nabubuo. Na ang sarap sariwain. O kaya mga musika na gusto mo lang pakinggan kasi umaakma sa tema, relaxing sa tenga. O kaya mga pagkain na ang sarap kainin kasi bagay sa panahon. Pero ang nakakalungkot lang dun kaya nga senti ginagawa mo ng mag-isa. Dahil wala lang. Gusto mo lang. Kasi mas nakakapagisip ka pag mag-isa. Kanya kanyang trip lang.
Bakit nakakasenti ung ulan …
Basta …………………..
Basta …………………..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento