Sabado, Pebrero 1, 2014

Super Saiyan



Naasar na ako sa nangyayari sa earth piling ko kailangan ko na syang iligtas. hahaahha medyo peelers:)

Paano ba naman sa pilipinas pa lang ang dami ng kaganapan. Iyang mga may pakana ng pork barrels scam na iyan ay aba ano kamusta naman ang buhay?? Ayos sa Alright ah. Ang daming taong hindi nakakain, mga inosenteng nilalang ang  namamatay ng walang natatanggap na hustisya at madaming tao at pamilya ang nagsasakripisyo makapagbayad lang ng buwis sa tama at wastong paraan dahil iniisip nilang iyon ang kanilang maitutulong sa bayan. TAPOS ay anak ng pating talaga. Kung yung mga taong nagkasala sa ng tuldok ay pinaparusahan ng mala impeyernong buhay kayo na halos sobrang laki ng kasalanan ay wala man lang natatanggap na pagpaparusa. Ay mejo patas talaga ang gobyerno. Ikukulong pero sa mala mansion na kulungan. oi lokohin nio lelang nyong panot. Matakot kayo sa karma at kay Lord. Maykalalagyan din po kayo.

At ito namang away sa zamboanga ano ba naman. Wag na kayong magaway. Yes parang ang dali lang ng gusto ko. Ano bang trip nio ah pagusapan natin iyan sa face to face. ang kulit nio. dami daming nahihirapan, nadadamay at nasisira dahil sa gyerang iyong ginagawa. Pag kayo ndi patumigil magsusuper saiyan na ako makakatikim kayo ng kamakamehuwave. Please make love not war. Wala naman mabuting maidudulot sa atin iyan kundi pagkawasak ng pagkatao. Trauma sa mga bata. Luha sa mga namatayang pamilya at sakit sa mga matatanda. 

I pray na sana paggising ko mamaya pagbukas ko ng tv wala ng  gulo sa zamboanga at kalapit bayan nito. Lovelovelove.

Yung away naman ni jake cuenca at sam milby anu ba proproblemahin ko pa ba yan. hahahha basta sana maging ok na lahat.

"Peace will reign if the power of love overcome the love of power"
Godbless philippines

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento