Abangan ang mga susunod na post ..
Sana magustuhan niyo po
Thanks and God bless :)
Linggo, Marso 25, 2012
I will forget
I will forget you starting from today
I don't know you
I have never ever seen you
we never walked pass each other way
I'm okay.. i forget everything
I'm happy with my busy life
I've met a great person too
Love is always like this
It fade away after some time
can't even remember it
When love goes away
Another love willcome again
It definitely will
Even it hurts now
It will heal little later
I will forget .. I will too
Sa pinakamamahal kong mama
Sa 9 na buwan na pagpapakahirap
At patuloy na pagsusumikap
At patuloy na pagsusumikap
Na matupad ang aming pangarap
At mabigyan mo kami ng buhay na masarap.
At mabigyan mo kami ng buhay na masarap.
Dito sa kaibuturan ng aking puso
Masayang-masaya po ako
Na may mama akong tulad mo
Na matapang hindi sumusuko
Masayang-masaya po ako
Na may mama akong tulad mo
Na matapang hindi sumusuko
Mahal na mahal po kita
Sana ako'y mapatawad sa aking kasalanan
Maintindihan nawa ang aking ginagawa
Maintindihan nawa ang aking ginagawa
Huwag mo po sana akong pagsawaang alagaan
Lumalaki na po ang inyong bunso
Kung minsan nagiging maloko
Gumagawa ng mga pagpapasaya
Ng sa inyo'y hindi kumukunsulta
Pero wag niyo pong iisipin
Na kayo'y aking kinakalimutan
Gusto ko lang makabawas sa iyong problema
Kaya pinipilit kong tumayo sa aking paa
Lagi niyo pong pakatatandaan
Bibigyan ko po kayo ng kaginhawaan
Aking pag-aaral ay pagbubutihan
Ng ako'y iyong ipagmalaki sa inyong kaibigan
Maraming salamat aking magandang mama
Totoo po iyan walang halong bola
Sabi nga nila sayo ako nagmana
Itsura ko pa lang ako'y pinagpala na :)
Hayaan niyo po sa iyong pagtanda
Idol na idol pa rin kita
Ikaw ang aking nag-iisang kong HERO
Sa pagkatao ko ikaw lang ang bubuo.
Ikaw lang aking paglilingkuran
kailanman hindi kita iiwanan
Sa sakripisyong iyong ginawa
Ako'y labis mong napahanga
Kaya Mama, hinding-hindi ka na mag-iisa
Talikuran ka man ng mundo
Andito lang po ako
Taong hindi magsasawang magmahal sayo
Kung nabibigatan ka na sa iyon pasan
ipasa mo muna sa akin iyan
Ayaw ko na kasi nakikita kang nasasaktan
Sana ako'y iyong maunawaan
Papatunayan ko po sa inyo mama
Na hindi ka na mahihirapan pa
Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya
Para mabuhay ka po ng masaya
Araw-araw kong idadalangin sa panginoon
Bigyan ako ng maraming pagkakataon
At mga magagandang panahon
Na maiparamdam sa kung gaano kita ka gusto..
Masasaktan lang kita
Itigil mo na kaya ito
Alam mo naman hindi tayo talo
Ibalik na lang natin ang dati
Na kung saan relasyon natin ay mabuti
Namimiss na talaga kita
Sa isip ko hindi ka nawala
Nahihirapan na talaga ako
Tanggapin mo na lang kasi ang totoo
Chorus
Na hindi pwede maging tayo
Pero hindi dahil di kita gusto
Ayaw ko lang masaktan ka
Kasi mahal na mahal kita
Oo na ikaw talaga ang tinitibok ng puso
At doon ako ay sobrang aminado
Alam kong hindi ito sapat
Para sayo ako'y magtapat
Takot akong mawalan ng kaibigan
Dahil sa maling kong nararamdaman
Ayaw ko lang tuluyang malayo sayo
Kaya pakiusap lang tanggapin mo na ang totoo
Coda
Lahat ng sa atin sana ay magbalik
Dahil sayo ako'y asbik na sabik
Bagong Pag-asa
(pakilapatan naman ng musika please... thanks and God bless:">)
Sa tuwing ika'y aking nakkikita
Ano itong aking nadarama
Di maipaliwanag ng bibig
marahil ito nga'y pag-ibig
Sa oras na tayo'y magkasama
Ako ay sobrang maligaya
Ayaw ko ng matapos ang sandali
Ikaw lang nais kong makatabi
Pangarap kitang makapiling habangbuhay
At hindi ako makapaniwala ikaw ay aking abot kamay
Sayo lang nag ka ganito
Sayo nahulog ang aking puso
Chorus :)
Kay tagal-tagal ko ng dinararasal
na matagpuan mo ko, Mahal
Sawang-sawa ng mag-isa
Pagod na sa pagluha
Ikaw na nga....
Ang aking Bagong pag-asa..........
Minsan na kasi akong nasaktan
Binigay ko ang lahat ngunit ako'y umuwing luhaan
Sabi niya kasi siya ay seryoso
Pero ang tao sya pala'y manloloko
Napagod na akong mag-intay
Timing ang pagdating mo sa aking buhay
Sayo lang nagkaganito
sana di na ako mabigo
Bridge:)
Ang sarili sayo'y buong iaalay
Dahil iniibig kitang tunay
Pakiusap lang ito'y iyong ingatan
Huwag na wag mong iwanan..
Chorus:)
Sa tuwing ika'y aking nakkikita
Ano itong aking nadarama
Di maipaliwanag ng bibig
marahil ito nga'y pag-ibig
Sa oras na tayo'y magkasama
Ako ay sobrang maligaya
Ayaw ko ng matapos ang sandali
Ikaw lang nais kong makatabi
Pangarap kitang makapiling habangbuhay
At hindi ako makapaniwala ikaw ay aking abot kamay
Sayo lang nag ka ganito
Sayo nahulog ang aking puso
Chorus :)
Kay tagal-tagal ko ng dinararasal
na matagpuan mo ko, Mahal
Sawang-sawa ng mag-isa
Pagod na sa pagluha
Ikaw na nga....
Ang aking Bagong pag-asa..........
Minsan na kasi akong nasaktan
Binigay ko ang lahat ngunit ako'y umuwing luhaan
Sabi niya kasi siya ay seryoso
Pero ang tao sya pala'y manloloko
Napagod na akong mag-intay
Timing ang pagdating mo sa aking buhay
Sayo lang nagkaganito
sana di na ako mabigo
Bridge:)
Ang sarili sayo'y buong iaalay
Dahil iniibig kitang tunay
Pakiusap lang ito'y iyong ingatan
Huwag na wag mong iwanan..
Chorus:)
Sabado, Marso 24, 2012
wag kang susuko
(Sa makakabasa sana mo po ay magawan niyo po syang kanta, hindi po kasi ako marunong maglapat ng tunog para po ito sa lahat ng taong bigo patuloy na lumuluha dahil sa problema sana sa simple kong tula hangad ko mapasaya ka. Kayo na rin po mag-edit. God bless)
Nahihirapan ka na ba,
dinadagsa ng mga problema.
dinadagsa ng mga problema.
Tila ang mundo ay galit sayo.
wala kang kakampi kundi sarili.
wala kang kakampi kundi sarili.
Sinisigawan ka na iyong amo,
Samantalang si nanay nag-aantay
Nagbabadyang manermon sa iyo
Nagbabadyang manermon sa iyo
Para ka na lang nilang sinasanay.
Sa eskwelahan napahiya ka naman
sa harap ng iyong hinahangaan
pagalitan ka ba naman ng iyong guro
dahil sa mababa mong grado
sa harap ng iyong hinahangaan
pagalitan ka ba naman ng iyong guro
dahil sa mababa mong grado
Kinakabahan ka rin ba
Dahil wala ka ng pera
Paano iraraos ang bukas
Kung wala ka ng lakas.
Dahil wala ka ng pera
Paano iraraos ang bukas
Kung wala ka ng lakas.
Wag kang susuko, wag kang susuko
ang problema ay parte ng buhay
nagbibigay saysay at kulay
pinapatibay ka lang ng Panginoon
balang araw ikaw ay makakaahon....
ang problema ay parte ng buhay
nagbibigay saysay at kulay
pinapatibay ka lang ng Panginoon
balang araw ikaw ay makakaahon....
Hindi na maipinta ang iyong mukha
ikaw sobrang pagod at balisa
Patong-patong na utos at gawain
mabibigat na mga suliranin
Pati ang pagniti iyong nakalimutan
Sa dami ng mga tumatakbo sa iyog isipan.
kaibigan na ubod ng pasaway
At karelasyong nakikipaghiwalay
Pilitin man takbuhan at talikuran
pagdating sa bahay tiyak problema nanaman
si nanay at tatay marubdobang nag-aaway
Mga kapatid na kailangan asikasuhin dahil ikaw ang panganay.
Wag kang susuko, wag kang susuko
Dahil hamon lang ito
laging mo tatandaan, kailaman hindi ka nag-iisa
Basta tawagin mo Sya, ang Diyos na ang bahala
Wag ka ng luluha dahil lahat ay magiging ok na.....
Kaya wag ng malungkot
wag na rin sumimangot
Dahil ang buhay ay Masaya
Pag si Lord ang kasama..
ikaw sobrang pagod at balisa
Patong-patong na utos at gawain
mabibigat na mga suliranin
Pati ang pagniti iyong nakalimutan
Sa dami ng mga tumatakbo sa iyog isipan.
kaibigan na ubod ng pasaway
At karelasyong nakikipaghiwalay
Pilitin man takbuhan at talikuran
pagdating sa bahay tiyak problema nanaman
si nanay at tatay marubdobang nag-aaway
Mga kapatid na kailangan asikasuhin dahil ikaw ang panganay.
Wag kang susuko, wag kang susuko
Dahil hamon lang ito
laging mo tatandaan, kailaman hindi ka nag-iisa
Basta tawagin mo Sya, ang Diyos na ang bahala
Wag ka ng luluha dahil lahat ay magiging ok na.....
Kaya wag ng malungkot
wag na rin sumimangot
Dahil ang buhay ay Masaya
Pag si Lord ang kasama..
Biyernes, Marso 23, 2012
Cellphone sa Panahon Ngayon ..
Isang bagay na napakalaki ng pakinabang at impluwensya.
Anu -ano ba ang mga silbi ng cellphone at labis na niwiwili ang tao sa pagbili nito. Kung bakit ganoon na lamang sila ka-adik sa paggamit?
Oo aminado tayo na ang cellphone ay mahalaga kailangan natin tulad ng nabanggit sa unahan. Ito ay nagagamit sa pakikipag-ugnayan sa mga mahal na sa buhay sa kabilang dagat man o sa loob man ng bansa ngunit magkalayo kayo ng distansya. Nagpapatatag ng relasyon at nagbibigay pagkakataon sa mga taong walang lakas ng loob makipag-usap. Pinakamabilis, madali at murang tagapaghatid ng mensahe. Maasahan sa oras ng pangangailangan sa kahit anong larangan. Naglalaan ng sapat na oras para sa mga trabaho at importanteng transakyon. Nagkakatulong sa paghingi ng saklolo ao ay nasa kapag ang isang tao ay nasa panganib, disgrasya, sakuna o malobhang karamdaman. Hindi lingid sa ating kaalaman na ang cellphone ay naimbento para dito bukod pa para sa kumita ng pera ang magaling na tao na naklikha.
Ngunit tila nag iba ang ihip ng hangin. Kasabay ng modernasyon ay ang pagkanegatibo ng epekto ng mga bagong imbento ng tao.
Saksi ang bawat isa sa ebolusyong nagaganap sa paraan ng pakikipagkomunikasyon mayroon ang mundo. Mula sa mga teorya sa aklat, pagkatuklas ng symbolo, paglikha ng tunog, at pagkaimbento ng gamit na panunulat, hanggang sa TOUCH SCREEN. Hindi na lamang pang kumonikasyon ang cellphone pati ang libangan na dati makukuha sa pakikipagkaibigan ay naroon na. Mayroon na itong GAMES, DIKSYUNARYO, KALENDARYO, ORASAN, AUDIO, VIDEO, CAMERA, TELEBISYON, INTERNET AT BAKA SA SUSUNOD AY WASHING MACHINE, REFRIGARATOR O KAYA ISANG PINDOT LANG LUMILIPAD NA SASAKYAN NA. Natuto ang tao maging makasarili wala ng inatupag kundi cellphone. Nakakalimutan ng marami ang tamang pakikipagkapwa. At kung minsan nagiging ugat ito ng pagkalat ng mga pangit na larawan na nakakasira sa isang katauhan ngunit dahil sa mabilis ito mahirap ang pagtigil sa mga impormasyong napakalat na sa pamamagitan nito. Bagamat nakakatulong din naman ito kasi sa halip magbibit na tayo ng mabigat na kamera nakukunan na natin ang mga masasayang araw sa ating buhay. Ang mga gusto nating lugar o mga biglaan pagkikita o okasyon nagagawan natin ma itala ang mga alaala ng hindi tayo nahihirapan o nabibigatan. Nakakatulong din upang maibsan ang kabagutan. At daan rin para sa bagong pakikipagkaibigan. Kaya lang dahil rin rito ang tamang proseso ng pagliligawan ay napadali at nawala na sa konsentrasyon ang henerasyon ngayon tungkol sa takdang panahon kung kailan dapat pumasok sa ganitong bagay, tia nagiging laro na lang sa kanila ang pagbibilang ng syota. Dahil sa piso ay mayroon ka na agad-agad na matamis na OO fresh from (globe,smart & sun).
Matalino po ang tao iyon ang totoo dahil pagkalipas [a lang ng isang linggo nakakapaglabas na po kaagad ng bagong modelo. At iyon ang simula kung bakit ang simpleng pakinabang ay nagiging daan para ang tao ay matutong yumabang. Kung bakit ang mababaw na dahilan ng pagkaimbento nito ay naging daan para magkaroon ito ng mabigat na papel sa mundo.
Hindi man natin napapansin o pilit man natin itanggi. Opo, ito ang katotohanan ang cellphone ay batayan na ng estado ng tao sa lipunan.
- Da lOwEr ClAsS -- mga Cellphone na walang camera, kahit coloured basta ang games ay snakes at nature park tapos may infrared. Gawa sa china at may may antena
- dA mIddlE cLAss --may camera ang cellphone may bluetooth, music player, memory card, flip top pa iyan o slide phone mahalaga may camera at games na maganda.
- DaH hIGh cLaSs-- touchscreen o kaya qwerty pad ang cellphone, malaki at kompleto sa features. mamahalin dapat at katulad sa artista,
Kaya ilan sa ating mga kababayan, dahil sa mahigpit ang kompetesyon ng diskriminasyon mas lalong binabaon ang sarili para lang magkaroon ng cellphone na maipagmamalaki. Dati pa naman ang ganyang sistema ang masama tinaggap ng ating kultura. Sa mga kabataan at empleyado wag masasaktan sa mababasa.
Tinitiis ang gutom, sakit, at pagod kahit maulanan sa kalsada makapagtabi lang pera ay kuntento na. Ang mahirap nagsasangla, nangungutang at kung minsan para sa maarteng anak ang magulang nagpapakatodo kayod para makasunod sa uso ang anak. Nakakalunkot man po isipin pero para maging in ito po ang ginagawa natin.
Cellphone na may munting gamit noon, saan na sumapit ngayon? Nagiging dahilan ng bastusan, siraan, lokohan at ang nakakabagabag ay patayan . KRIMEN!!!. Madali ang kita ng pera sa pagbebenta ng cellphone lalo na kung maganda. At alam natin ang tao ay hindi papatalo susunod at susunod sa uso kahit wala ng maipanglaman sa sikmura at maputulan man ng kuryente ang pamilya. Ang nakakatuwa pa po, ang cellphone ay tinaguriang most common accessory dahl always nakdisplay. Kaya hindi na ako magtataka kung maraming mga dukhang pilipino ang matukso at maudyok gumawa ng masama upang maging nitsa ng buhay ng marami at maging sanhi ng pagtaas ng krimen sa bansa natin.
Sana mag-isip ka. Kung para saan ba talaga ang bagay na hawak mo. Huwag ka sanang magsawa mag-gm o group message ng mga paalala at sa iyong mga kakilala mag-pm ka o personal message bago pa mahuli ang lahat na sila na ang maging biktima ng ganitong kalakaran sa perlas ng silangan.
HOPE YOU LIKE IT...
Martes, Marso 20, 2012
Seventeen
FRIENDS ARE LIKE FAMILY
With you I continue to love
That why I'm here above
You could make me smile
when I about to cry.
You are my light
to my darkest night
You cheer me up
when I;m about to give up.
Thank you for being there for me
for making me realize and see
That theres a rainbow after the rain
and the sun will shine after the pain.
The laughter and the mess
The tears and sorrow of tomorrow
Our experience of sadness and happiness
might serve as our weapon for success
I always keep in touch to God
To make our face always glad
To be the author of our history
and the fortune teller of mystery
For our personal problem
Let's step up and use them
There'll be hindrance
for a perfect chance
Many things will com our way
we might losse each day
But I know you are strong
to make our relationship last long.
I know that people change
but I hope our friendship remain.
Even time has pass away
may you still treasure yesterday.
Career might make us busy
but please don't forget to call me
For I know it will be too difficult
to see unwanted result.
Having lover or partner are ordinary
And I know there'll be monthsary.
But don't forget seventeen
remember the things we have been.
Our parents will no longer call us baby
but instead our child will shout us mommy.
Finally we can stand tall us tree
though storms shaking our body.
But this is my imagination
I'm still waiting for the real presentation
And the true to life action
Of beggining relation
My dreams wil never end
If choose to be my friend.
And stay to my side longer
as long as forever
It's natural to feel anger
but I believe it will not lead us to danger
There'll be a flood flow of tears in my eyes,
if l have to say goodbye.
If you need to cry
my shoulder is here by your side
to listen to all the things you feel inside
to understand the fears you hide
I have really enjoy the time with you
I swear all tyou see is true
trust me then I'll promise
wherever I go it will be you I miss
There'll be no proxy in my heart
thought we are thorn apart
Your are still my best enemy
And best & true friend for me.
Paano mabuhay sa wala
Mahirap mabuhay sa mundo ng kawalan
wala kang taong masasandalan
ni kaibigan, ikaw ay iniwanan
o kahit pamilya na ikaw ay tinalikuran.
Paano mabuhay sa muundong magulo
sa mundong walang nagmamahal sa yo.
Gaganahan ka pa kayang gumising sa umaga
kung alam mo mabubuhay ka na lang ng mag-isa.
Paano umiibig sa taong walang puso
mababaling ba iyon sa bagay na hindi kumikibo
o sa hayop na idadaan ka sa tingin
baka aman sa mga kulay ng paligid.
Paano mo iraraos ang isang buong araw
ng hindi mo alam kung papaano gagalaw.
Saan ka pupunta at kailan magsisimula
kung takot ka naman tumayo sa iyong sariling paa.
Paano lumuha kung wala ka ng mailuha
kung ang tubig sayong mata ay naubos na.
At kahit sumigaw at magwala ka
hindi mo na mababalik ang nawala.
Paanoka masisi sa iyong kamalian
kung tila tinangalan ka na ng karapatan.
At ang mga tao tapos ka ng husgahan
Ng hindi ka man lang lumalaban.
Magagawa mo pa kayang magbago
sa kasalanang hindi mo ginusto.
Kanino mo huhugutin ang lakas
para harapin ang bukas.
Makakatulog ka pa kaya
ay mali, Didilat ka pa ba?
Kung alam mong wala halaga
at dahilan para mabuhay sa lupa ….
Maskira

SINO NGA BA SIYA??
Kaninong buhay ba ang may kaakit-akit na kulay. Maganda sa ngunit kung titikman ay mapakla. Sa tingin mo ba siya na nga? Ang taong punong-puno ng kasiyahan at para bang hindi na mababahidan ng kalungkutan. Sa kanya ba na sayo'y nagpapasigla twina. Sa iyong hinahangaan ng lubusan kahit wala man siyang gawin sa iyo....
Ngunit ano ang iyong mararamdaman kung ang lahat ng ito'y kasinungalingan???
Sinong makakapagsabi tulad nila ay namumukod tangi. Kakaiba sa lahat ng iyong makikilala. Laging may baon ngiti para sayo ay iuwi. Kung minsan hindi mo mawari kung siya ba ay nagkukunyari o nagpapakatotoo na sa kanyang sarili. Pero wala kang magawa dahil kung minsan napapalagay ka na lang na makita siya at doon busog at kuntento ka na. Hindi basta-basta mahuhusgahan ang tunay niyang katauhan lalo na ang kanyang katayuan. Sapagkat lagi siyang nakabalot sa maskara niyang mapanloko. Madalas magbalat kayo sa harap ng maraming tao. Laging nakatawa akala mo walang problema ngunit sa likod ng mga ligaya ay mga malalim na luha na pilit itinatangi ng mga mata niya. Sa tuwing lalapitan mo siya payo niya ay mabisa at maasahan talaga ngunit kapag sarili na niya ang nangailangan sarili hindi alam kung paano tutulungan. Hind mo maalintan bigat ng mundong pasan niya. Kung titignan siya ng panakaw siguro doon mo lang matatanaw ang kanyang tunay na anyo. Mapagpaggap talaga siya. Iyon ang bagay na hindi mo mapapansin sa kanya. Dahil Siya ay parang artista na laging maganda sa Kamera. Ngunit sa sulok isa lamang siyang ordiyang tao na katulad mo.
Nanatili pa rin malaking tanong kung sino ang taong ito sa buhay mo. Siguro dapat mong pagiisipan ng magkaroon ka ng sapat na kaalaman kung paano mo siya pakikitunguhan.
" mas madaling magpanggap na masaya kaysa ipaliwanag kung bakit nalulungkot ka"
NASAAN ANG PAGBABAGO? PAKI TURO..
Umiirog ang ating mundo
kasabay nito ang pagbabago.
Ng mga bagay, lugar at tao
tila ito ay hindi na maitatago.
Ngunit may mga na pagiwanan
ng pagbabagong ating pinagdadaanan.
At sa aking palagay hindi sila mamakakasunod
Sa dinidikta na buhay dito sa lungsod.
Ang modernisasyon ay ba ay nakabuti?
Kung marami naman ngayon nagpipighati.
Kung sa kaliwa't kanan ay puro kalungkutan
At mga mamayan na patloy na nahihirapan.
Magagawa mo pa kayang magpakasaya
Kung daranisin mo buhay na kay pakla
Kung sayo masaklap ang tadhana
At labis kang pinapaluha.
Nanaiisin mo pang magcellphone
kung life mo ay in sad tone.
Bibili ka pa ba ng computer
kung lahat ay kailangang isurrender.
Titira ka pa ba sa magandang at mataas na bahay
kung marami ng tao ang namumuhay sa ilalim ng tulay.
Kakain ka pa ba sa sosyal na kainan
Kung sa iyong tira-tira mga bata ay nakabantay
Mashoshower ka pa ba sa banyo
kung sila ay naliligo lang sa poso.
Gagastos ka ba ng malaki para sa kape
Kung sa iba ulam na ang kape hanggang gabi.
Lahat ng bagay parang ginuhit
mukhang maganda ngunit totoo ay pangit
Nilinlang ka at sobrang inaakit
Habang ang alam mo ang iba ay nagpapakasakit.
Paano ka sasabay sa agos
Kung karamihan ay naghihikahos.
kung ang piso mo sa kanila ay ginto
at alam mong barya lang ito sayo.
Matitiis mo bang maglagi sa aircon
at kumita ng milyon-milyon.
habang ang iba sa init ng araw nagtitiyaga
para lang may malaman sa sikmura.
Wala sa kahit sino man ang kasalanan
At mas lalong hindi kita pinagbibitangan.
Wala rin tayong dapat pagtalunan
dahil ang alitan ay walang patutunguhan.
Utak at aksyon ang kailangan
solosyon ay dapat magkaroon ng kaganapan.
Kung ang kadiliman ay nais mong matuldukan
simulan mo sayo ang kasugutan
Pagmamalasakit sa kapwa ay mahalaga.
Isinilang tayo may pananagutan sa iba.
Mapakita sa natin ang tunay na diwa
ng isang taong kristiyano at makabansa.

<
kasabay nito ang pagbabago.
Ng mga bagay, lugar at tao
tila ito ay hindi na maitatago.
Ngunit may mga na pagiwanan
ng pagbabagong ating pinagdadaanan.
At sa aking palagay hindi sila mamakakasunod
Sa dinidikta na buhay dito sa lungsod.
Ang modernisasyon ay ba ay nakabuti?
Kung marami naman ngayon nagpipighati.
Kung sa kaliwa't kanan ay puro kalungkutan
At mga mamayan na patloy na nahihirapan.
Magagawa mo pa kayang magpakasaya
Kung daranisin mo buhay na kay pakla
Kung sayo masaklap ang tadhana
At labis kang pinapaluha.
Nanaiisin mo pang magcellphone
kung life mo ay in sad tone.
Bibili ka pa ba ng computer
kung lahat ay kailangang isurrender.
Titira ka pa ba sa magandang at mataas na bahay
kung marami ng tao ang namumuhay sa ilalim ng tulay.
Kakain ka pa ba sa sosyal na kainan
Kung sa iyong tira-tira mga bata ay nakabantay
Mashoshower ka pa ba sa banyo
kung sila ay naliligo lang sa poso.
Gagastos ka ba ng malaki para sa kape
Kung sa iba ulam na ang kape hanggang gabi.
Lahat ng bagay parang ginuhit
mukhang maganda ngunit totoo ay pangit
Nilinlang ka at sobrang inaakit
Habang ang alam mo ang iba ay nagpapakasakit.
Paano ka sasabay sa agos
Kung karamihan ay naghihikahos.
kung ang piso mo sa kanila ay ginto
at alam mong barya lang ito sayo.
Matitiis mo bang maglagi sa aircon
at kumita ng milyon-milyon.
habang ang iba sa init ng araw nagtitiyaga
para lang may malaman sa sikmura.
Wala sa kahit sino man ang kasalanan
At mas lalong hindi kita pinagbibitangan.
Wala rin tayong dapat pagtalunan
dahil ang alitan ay walang patutunguhan.
Utak at aksyon ang kailangan
solosyon ay dapat magkaroon ng kaganapan.
Kung ang kadiliman ay nais mong matuldukan
simulan mo sayo ang kasugutan
Pagmamalasakit sa kapwa ay mahalaga.
Isinilang tayo may pananagutan sa iba.
Mapakita sa natin ang tunay na diwa
ng isang taong kristiyano at makabansa.

kung ikaw ako?
Lumalalim na ang gabi. Bukas na ang lahat ng ilaw sa lansangan. Mga tao ay nagaagawan na sa sasakyan. Sa diskarte nila wala akong masabi, lahat ay gagawin para lang makauwi. Ako heto nag-aanatay ng milagro nagbabakasakaling sa jeep na di puno dahil sa takot kong manakawan at mahipuan ayos lang mag-intay ng magdamagan. Ok sige na aamin na ako. o siya tinatamad talaga ako makipagsisikan sa tao. Ayaw ko sa bus kahit de aircon, kahit mabilis ayaw ko .AYAW!!! dahil nakakapagod tumayo. Siguo sasabit na lang ako sa jeep. Ah hindi uuwi na lang ako mamayang alas dyes para makuha ko ang aking gusto.O di kaya magaabang ako ng kakilala para libre pamasahe ay si ate nga pala dito ung daan yehey . hahahahhahah :D
tik-tak-tik-tak Bakit pagpinira hindi hihinto pero kapag hindi kailangan automatiko. Badtrip naman bumuhos pa iyong malakas na ulan nawala tuloy ang POISE KO!. andito ... na ako sa loob ng restaurant "o tukso layuan niyo ako." Tae naman magpapalibre nga ako tapos napabili naman ako salamat sa lahat ng estudyanteng nakikisilong sa mcdo INOP niyo ko makagaya na nga lang makapag mc float nga din kahit gus2 ko tag50 alaws na akong pera. Ang tagal wala pa rin akong makitang kapitbahay o kapatid man lang. Yummy ng macfloat:)))
Loves ko talaga itong cp ko kahit kailan hindi ako iniiwan., katuwang sa kalungkutan at higit sa lahat sa oras ng bait-baitan. Oh no knina pa ito 1 bar walastik fantastik talaga toh'' makapgtext nga. Beep beep beep ( Ang pangit ng ringtone ko hindi ko napalitan adik nakakahiya sa mga ibang tao dito.) hello maganda speaking sino po sila? Anak san ka na naman?! may project ulit kayo andito na mga kapatid mo ah? umuwi ka na ..AKO: mama MAMA: wag ng lalandi pa AKO: mama MAMA: At anak mag-ingat sa magnanakaw ah ? may payong ka ba ung nasa bag mo na payong gamitin mo. AKO: mamamamamammamama CP :TOOOOOOTh empty
Paano ako uuwi nagastos ko na ung 25 pesos ko 15 na lang pera ko at 40 ung pamasahe ko pauuwi .. "how can i decide what's right when i don't have money inside."
Lumabas ako ng tuliro habang hawak ang mcfloat ko aieh hindi ung 25 pesos ko. Kahit umuulan nagmukha akong emo papaano naluluha na iyong mga mata ko alangan umiyak ako sa loob ng mcdo. Hindi ko alam kung anong gagawin kong hakbang ang alam ko lang kailangan bagalan kong bagalan ang paginom para mukha wala lang.
Ayan umaandar na ang aking utak. Genius talaga ako kahit hindi.
Manghingi kaya ako sa kapwa ko estudyante gayahin ko kaya ung mga nangangalabit na batatapos manghihingi kapag hindi mo binigyan mangungurot o magmumura. Asa wag iyon baka pag ginawa ko iyon tumakbo iyong kinalabit ko hahhaha hindi baka kunin iyong number ko.
Maglakad na lang kaya ako. Oi pagtayo nga kinatatamaran ko paglakad pa kaya. atsaka baka kung ano pang mangyari sa akin.
Magpanggap kaya akong nanakawan. Anung gamit aman nakuha sa akin. Cp q n3310 o ung walet ko na may 3 limang piso.
Aha magpapaload na lang ako. OO nga pala empty ang batery ng cp q.
Makaupo nga muna hindi ko na talaga alam. Sana piso na lang ung kulang sa pamasahe ko kaso bente singko ei.
Lord help me. I've learn na from my experience.
moral lesson: wag mag mamacfloat hahahha aadik talaga ako may problema na nga ako kung ano pang naiisip ko.
Pakanta
Bahala na si batman.
Sana dumating si superman
Iuwi na sana ako ni spiderman.
ahaahaahhahah <kulot kulot tone with tears>
kung ako ikaw anung gagawin mo. help aman oh? please
Maingay ang paligid maraming nagsisigawan. Hindi ko magalaw ang aking katawan. Asan na kaya ako ???
bentahan ang mukha


Ang tao nga naman makakita lang ng gwapo at maganda lilingon kagad. NO TIME SHOULD BE WASTED ika nga lalo na pag si crush. Ang mukha ng tao tila nagiging basehan na natin ng kanilang buong pagkatao. At napakalaking kapaboran ito sa mga taong pinagpala ng kgwapuhan at kagandahan. Dahil mairiin man nating itanggi mas priyoridad na ng lipunan ang mga taong mayroon niyan. Bawat isa man sa atin ay naghahangad ng ganyang biyaya tulad ng ibang naambunan na. Pero minsan mahigpit ang tadhana daanin man ng ilan sa kabutihang loob tila wala pa rin kwenta dahil itsura pa rin ang labanan.
Sa bussiness industry mas madalas pinapaboran ang magaganda at gwapo. Napansin ko sa paglilibot at pamamasyal ko sa ilang mga tindahan, stall sa mall, restaurant,cafe at kung anik-anik pa. Mas madaming suki ang lalaking gwapo at babaeng maganda. Kaya naman karamihan sa mga bussiness man gusto ang mga taong my face value.
Sa media industry sa larangan ng showbiz aminin na nating lahat na ang kadalasang sumisikat ay yaong magaganda at gwapo kahit wala itong kataletalento. Nauusadan pa nila ang mga may K talaga.
Sa relasyon ang kadalsan unang tanong my gf/bf k?Gwapo/maganda ba...?? Patunay ito na itsura ang basehan ng ilan.
Sumisikat na rin sa panahon natin ngayon ang libo-libong paraan at kagamitan pampaganda at pampagwapo halos lahat ng tao ay nagiging balidoso. At tanggap na ng lipunan kung anumang pagbabago ang gawin mo sa iyong katawan.
Sa aming mga kabataan uso ang tiis ganda hindi na bale mahirapan basta maganda ka. Madaming ganyan, ang braise at contact lenses nga na dati ay gingamit dahil kailangan ngayon para pang porma na lang. Dahil kahit hindi na kailangan sinusuot pa. Minsan fashionista lang talaga pero kadalasan papansin lang kung baga. Nabaon na sa limot ang konseptong kasimplehan.
Kaya kung ako sayo hangga't kaya sana ay maging kumpleto ka. brainy beautiful, at good in character make no regrets..... always be the best
Byaheng Jeepney
BYAHENG JEEPNEYKilala ang bansa natin sa jeepney. Jeepney na sumasalamin sa pagiging malikhain nating mga pinoy. At iyon ay totoo nga walang kaduda-duda. Ang jeepney ay hindi lamang nagpatanyag sa atin sa larangan ng sining maging sa labanan ng buhay. Ang ilan sa ating mga mamamayan ito ang hanapbuhay. At tila naging bahagi ng sirkulasyon ng pangkaraniwang magdamag ng pilipino ang jeepney. Halos lahat tayo ay nakasakay na dito at ang karamihan pa nga ito ang ginagamit pangtransportasyon.
Isa ako sa mga libo-libong mamayan na sumasakay ng jeepney. Bawat araw nakikipagbabakan ako para makasakay lang. Malaking tulong kasi ito sa akin dahil bilang studyante malaki ang aking natitipid bagamat mahirap lang talagang sumakay. Kaya nga ng umuso ang awitin ni yeng constentino na love story sa jeepney tila nakarelate ako tulad ng karamihan. Bilang isang pasahero masasabi ko na marahil malaki ang naging market ng album na ito dahil sa patok ito sa mga jeepney driver at passenger .
Talagang kakaiba ang jeepney hindi tulad ng ibang sasakyan.Maraming nagaganap na eksena sa loob at labas ng jeep. Maikli man o mahaba ang byahe kaya di na nkakapagtaka kung ang mga senaryo maging ordinayo na langito sa ating mga mata. Marahil pamilyar na rin kayo sa mga eksenang tulad ng ss:
----natutulog na tulo ang laway
----taong na kalagpas na sa kanyang babaan
---- traffic na lagpas isang oras
----magmumura dahil kulang ang sukli
--- tulakan at agawan
---babaeng feel na feel ang hangin sa bintana ng jeep
---- driver na mahuhuli ng blue boys
---- siksikan tapos katabi mo mataba
---driver na walang pakialam sa pashero
----pasimpleng 1-2-3
---umuulan tapos walang trapal pang asar talaga
--- kembot sa kanan kembot sa kaliwa may nakasbit na hindi pa rin puno sabi ng driver.
--- lalaking pilit na mangbubuso sa katabing babae
---babaeng kinulang sa tela ang suot
--- nagtetext o kaya may kausap sa phone
--- masisiraan ung jeep
---pasaherong mukhang terorista
--- magnanakaw na nakakatakot
---mga grupo ng maiingay sa sakay
---tawanan na parang ikaw ang pinaguusapan
---taong tahimik lang
---lalaking natutulog halos hihiga na piling kama ung upuan
---magsyotang kala mo asa park makapaglampungan wagas
---foreigner na hindi mo maintindihan
----stereo nakakabingi
---taong may headset sa tenga kala mo talaga seryoso
---lalaking gentleman( pero isang beses lang ako nakakita niyan.)
---matatandang pinagchichimisan ang buhay ng may buhay
---kanya kanyang emosyon at facial expression
--- at pababain ka ng driver dahil mag-isa ka na lang wala syang pakialam kung makasakay ka pa ulit.
sa loob ng byahe ko tila immune na ako sa ganyang pangyayari ang nagsasave the day ko na lang ay ang gwapong sasakay at uupo sa tabi ko. :)( wish ko lang hindi sya magnanakaw na nagpapangap, marami na kasing ganun.) Kahit sino aman sa atin masasanay kung buong buhay mo ba aman ay halos bestfriend mo na ang jeep lagi mo kasing nakikita dahil kailangan. Laging tatandaan"bayar lang po sa umaga" ^_^ (joke) ito talaga ang dapat tandaan "INGAT".
"BAWAT PASAHERO AY MAY KANYA-KANYANG KWENTONG DAPAT IRESPETO. NAWA'Y GAWIN ITONG GABAY SA MGA SUSUNOD PANG PAGLALAKBAY.."
ITO ANG BYAHE NG JEEPNEY...
aPat na Sulok na BulOk

Na sa loob ako na aming silid
ako'y umupo sa pinakagilid
pinagmamasdan ang buong paligid
ngunit wala akong napala sa aking pagmamasid
ang katahimikan ang namamayani sa aking isipan
hindi ko na tuloy namalayan ang mga kaganapan
mga pangyayari sa loob at labas man
panadalian kong nilisan ang silid aralan
ngunit tila may humila sa akin para magbalik
doon ko lamang napansin ang ibat-ibang salik
salik kung bakit di ko ninais ng magtagal sa looban
dahil sa mga hindi magandang bagay na hindi ko malabanan
ang mahalimuyak na ihip ng hangin na may dalang kabahuan
ang mamahalin na display na electric fan
ang ilaw na tila di ilawan
ang magulo at sira-sirrang upuan
ang black board na walang chalk at pambura
pintuang hindi ma malaman kung paano isasara
flatform ng guro na gumuho na
la mesa ni Maam na ninanakaw ng iba
classroom na binabaha
classroom na mukhang tutumba
gurong magulo at di maintindihan
sa hina ng boses hindi mo na malaman ang usapan
bayarin na walang katapusan
kaklase na walang kapagod-pagod magdaldalan
kung sa apat na sulok na ito tayo ay bulok
paano pa ang lipunan nating baluktot
kailan ko kaya malalagay ang tuldok ?
kailan kaya makakarating sa magandang tutok
na kung saan ang kapangitan
hindi madagdagan kundi mapalitan
Seeking God
GOD IS THERE FOR YOU
May mga pagkakataon sa ating buhay na nahihrapan tayong harapin ang mundo. Nasasaktan sa ating mga pinagdadaanan. Nabibigatan sa ating kapaligiran. Ang dami daming bagay ang ipinaparanas sa atin ng buhay. Maraming beses mo na sigurong naisip ang sumuko at napagtatanto mo rin kung hanggang kailan ka dapat makadanas ng ganyang pighati.
Ang hirap at nakakalungkot lalo na sa panahon ng kabiguan kapag wala kang malalapitan at makakapitan. Ang pakiramdam na nag-iisa ka lang ay sadyang nakakabaliw. Bawat segundong lumilipas wala kang gustong gawin kundi daanin sa pagluha ang lahat ng iyong nararamdaman at pakinggan lahat ng kirot na nasa puso mo. Minsan pa nga ikinakanta mo pa ang sakit kahit nagmumukha kang tanga.
Siguro ganon talaga kapag hindi tayo na dapa hindi tayo matutong tumayo at makaalala na sa buhay hindi naman tayo naging mag-isa. Ang swete nga natin laging tayong may kasama kaso hindi natin pinapansin puro negatibo iyong pinapairal natin. Tinatalikuran natin ang mundo pero Sya hindi ka nya kayang talikuran tulad ng ilang ulit mong ginawa sa Kanya. Sa totoo lang lagi ka Niyang niyayakap hinihilum iyong galit at pait sa puso at kaluluwa mo, kaso hindi mo na hahalata. Pilit ka kaya niyang hinahawakan kaso ikaw itong kusang bumibitaw. Hindi hindi ka Niya kayang iwan kahit walang ng natira sayo pwedeng pwede mo syang lapitan libreng libre Sya hinihintay ka lang Nya.
Kaya utang na loob kung naiinis ka na sa iyong mundo. At wala ka ng maisip na solusyon kundi wakasan ito. Pwede bang kahit saglit hayaan mo Sya ang gumawa ng milagro sa buhay mo. At hayaan mo na lang ang Kanyang pag-ibig ang mamayani hanggang sa maramdaman mo na may Pag-asa pa at kahit kailan obligasyon mong mabuhay ng masaya dahil lahat ng kasalanan mo pinagbayaran na Nya. At kung sa kaling matisod ka, wag ka na ulit mag-iisip ng masama tawagin Mo lang Sya darating sya agad para pulitin ka, gabayan hanggan sa tuluyan mong makayanan muling makipagsapalaran sa hiwaga ng ating buhay.
DiScrIminAtiOn
marahil biktima ka rin ng disriminasyon
talamak kasi iyan dito sa ating nasyon
ito ay lumilikha ng malaking division
sa ating lumulobong populasyon
sumisira sa bawat isipan
kumikitil sa ating lipunan
pumapatay ng kinabukasan
ng inosenteng mamamayan.
popular
adan vs eba
bakla vs tomboy
mayaman vs mahirap
makapangyarihan vs alipin
matalino vs bobo
ganda/gwapo vs pangit
marahil minsan pabor sa iyo
eh papaano aman ung iba
magtitiis na lang sila, sa ganitong kagawian
hindi ko malaman kung sino ang nagpasimula
at kung sino talaga ang may sala
ang aking lang matugunan
na ang gawing ito ay matuldukan
nakakalungkot kasing isipin
ng ang mga susunod na henerasyon
ay maapektuhan ng ating panahon
ang ganitong mga gawain ay walang maidudulot na maganda
kundi walang hanggang pagdudusa at pagpatak ng luha
hahayaan mo na lang ba ang buhay mo
mawalan ng saysay dahil sa kagagawaan ng ibang tao
matitiis mo pa bang mumukmok sa isang sulok
dahil sa sistema nating bulok.
SPOT
forget about the pressure
just do what you love,
make your life a journey wihout regrets..
negative events are part of our life
it's natural, it is not create to hurt us but to make us realize,
somethings that we don't see by our eyes..
tears and laughter's are common emotion
but they have definitely different reason
I hope that one of the reason is God
life is full of surprises that spices our life
so always do your very best
remember you only have 1 life to live
spend your life with those people you surely love
and you will feel the happiness your the lucky one who could have
And that's because From the one who loves you more from up above
Live
Love
Laught
commitment
Commitment ang pinakapaborito kong salita kung baga sa tagalog pananagutan. Pero naguguluhan ako sa salitang ito kung minsan dahil sa mga bagay na aking naooserbahan. Ano ba ang COMMITMENT ??? Bakit ang lakas ng epekto nito sa isang indibidbwal o relasyon? Isang salita na puno ng hiwaga at misteryo kung tutuusin. Sige mayroon kang isang minuto para isipin kung kanino ka may panangutan dito sa mundo at paano mo ginagawa ito.
Marami ka sigurong naisip, Alam mo ba na ang salitang Commitment sa english ay nangangahulugan na "a pledge or promise; obligation; engaging yourself to someone or something.". Ang gandang pakinggan pero mahirap patunayan. Ilang tao na ang nagsalita ngunit kunti lang ang umobra. May mga ilan naman nagtagumpay pero mas marami nga lang ang minalas sa buhay. Bakit ba ang bigat para sa atin ibigay ito sa isang tao. Iyon ba ay dahil takot tayo magkaroon ng limitasyon o tamad lang talaga tayo sa obligasyon.
Napakaraming bagay ang mauugnay sa salitang ito kaya marahil napapako ang mga matatamis na pangako kasi nga naman mahirap itong ipaglaban. Tignan mo na lang kung totoo at seryoso kang commited sa ginagawa mo at sinasabi. Kailangan mong maging TAPAT, DISIPLINADO, MATIYAGA, MAPAGMAHAL,MAY RESPETO,MAALAGA,WALANG ARTE, MAHABANG PASENSYA, MAPAGPATAWAD at KUNG MINSAN KAILANGAN MONG KALIMUTAN ANG IYONG SARILI. Ei kasi nga committed ka alam mo ang magiging resulta kapag nagloko ka.
Pero minsan kahit alam mo na ginagawa mo pa rin yung lihis sa tama at bagay na magbubunga ng hindi maganda. Anuman ang iyong dahilan MAY KALALIMAN O KABABAWAN lagi mong pakakantandaan ang pananagutan ay kakambal ng kasalanan kapag ito'y iyong tinalikuran tiyak na mayroon kang masasaktan.
Asan ang piso ni Juan ?
“Kapus na nga tayo sa salapi,lalo pa nating binabaon sa lupa ang ating sarili”
Bawat tao ay may katayuan sa buhay. Marami ang sa atin ang kapus kapalaran at may ilan-ilan rin naman na pinagpalang maging mayaman. May mga pagkakataon sinisisi natin ang pamahalaan pero sino nga ba ang may kasalanan kung bakit walang pagkakapantay-pantay sa ating mahal na perlas ng silangan? Alam ko na bilang pilipino maraming nagsasabi na tamad daw tayo??? at maraming beses ng napatunayan na hindi iyan totoo dahil iyan ay hango lang sa ilang kwento tulad ng juan tamad at alamat ng pinya. Pero bakit ganoon ang bansa natin ay likas na mayaman. Ang mga mamamayan ay dumranas ng kahirapan anu ito?? abnormal na lipunan. Minsan ayaw ko talagang maniwala pero ang daming bagay ang nagtutulak sa akin upang sabihin oo nasa atin ang problema kung bakit laging walang laman ang ating sikmura.
Ilan sa ating mga mamayan ang pinipili pagkagastusan ng pera ang mga bagay na wala namang katuturan. Kung makapagtext sa kasalda gamit ang cellphone na maganda akala mo kung sinong makaasta. Kung makapaglakad gamit ang damit na mamahalin sobrang yabang. Pati pag-kain ng sosyal at pag-inom ng kape kailangan pa talagang sa magastos na restaurant pa ei kung iisipin wala naman pinagkaiba. Imbes na ibili ng pagkain kung anu-ano ang binibili.O di kaya itulong sa mga dukha. Kalunuslunos na kahirapan ba ang hanap mo kahit saan sulok marami. Sa mga mata pa lang ng mga bata sa lansangan mararamdaman na ang pait ng buhay na kanilang pinagdadaanan.
Ang pinagtataka ko lang kung bakit sa sobrang hirap na nga ng pilipino nakabili pa ng alak at sigarilyo.. nanakakapagbinggo pa sa kanto. Mahirap ba talaga tayo. Eh ang condom nga na afford na ng marami. Cellphone pa kaya at iba pang gadgets. Facebook,twitter at dota gaano kahaba ba ang tinatagal ng isang bata na babad sa kompyuteran kadalasan. Kapag may uso mayroon kaagad tayo. Hindi papatalo sa ibang bansa. Ang malaking tanong na bumabagabag sa akin ay na saan ba talaga ang piso ni Juan?
Bawat segundo bumibili tayo, Kada minuto napapagastos tayo,at paglipas ng oras kelangan na nating punan ang ating ganap na pangangailangan in short gastos nanaman, pagdating ng araw bagong listahan ng bilihin, sa pagsapit ng 15 sasahod na, ayan ang masasayang panahon, kapag buwan na ay mas malaking bayarin libo-libo. Pagkatapos ng isang taon nasan na tayong mga Pilipino?.Kung ang mga may stable na naghanapbuhay nga nahihirapan, pa ano pa kaya ang mga wala.
Pangarap natin ang marangyang buhay minsan kinaiingitan pa nga natin ang mayroon na ito. Pero wag na tayong magpanggap kung ano ang tunay nating kaya ayon na iyon. Hindi araw-araw ay pasko. Madalas mabubutas ang bulsa mo, normal na tayo kung sapat na natutugunan ang pangangailangan. Kaya lang laging HINDI! kakapusan ang madalas nating sinasapit. Ang nakakagulat lang always present si wallet kapag dating sa mga luho hindi naglalaho kasi ayaw patalo. Ayan hindi ko na kailangan patunayan kasi ikaw mismo alam mo na ginagawa mo ito. Lumaki laki ang lista ng iyong utang ng hindi mo namamalayan.
Ang hirap alamin kung ano ang totoo. Naguguluhan nga din ako. Isang araw habang naglalakad ako may limang lalaki ang nakatambay nag-uusap tungkol sa hirap ng buhay ang dami nilang reklamo. Pero pagdaan ko ulit doon nakatambay nanaman sila. Ito pa may nakausap akong tambay ayaw niyang mag-aral dahil mahirap ang buhay hindi ko alam an itutugon ko kasi medyo parang hindi niya sinabi iyong sinabi niya. Pakiramdam ko gustos kong sabihin na anu bang magandang kinabukasan ang ipinangako ng pagtambay at bakit ang daming nakikiparty-party??. hay ewan hanggan dito na lang ba tayo. TAMBAY. kung sino pa ang madalas magreklamo sya pa ang dapat ikareklamo. Marami siguro ang mapapatungo at makakaugnay sa naranasan ko.
OO malaki talaga ang kakulangan natin. Natural na lang iyan ang akin lang pwede naman sigurong maiwasan kung tayo magtutulungan at magbabago sa ating mga sarili. Likas na madiskarte tayong mga pilipino sana lang hindi matabunan ng ating maraming maling kasanayan ang mga natatangi nating kaasalan. Hindi pa huli ang lahat ang kahirapan ay hindi hadlang sa kaginhawaan. At hindi ko na kailangan pangalanan ang ating mga kababayan sumikat sa gayang kalakaran “rugs to riches”. Pinoy ang number one sa kahit saang larangan pero sana sa mga ganitong usapin wag natin kalimutan na makakasira ito ng malaki sa ating bayan. At hindi kasalanan kung ipinanganak kang mahirap ang masama mamatay kang mahirap dahil wala kang ginawa para makuha ang inilaan ng Diyos na mga biyaya.
“kapus na nga tayo sa salapi lalo pa nating binabaon sa lupa ang ating sarili”
Bata pa AKOUH ??
Ang ngiti nila sa atin ay nagpapasaya. Malalakas nilang tawa ay sadyang nakakahawa. Mga mukha ay kaibig-ibig talaga. Boses nila ay mala anghelita. Hindi nila batid ang gulo ng totoong mundo dahil ang alam lang nila ay puro laro. Ngunit kailangan pa ba nilang masaksihan ang madilim na katotohanan?. Nakakatakot isipin na sa mura nilang edad patong-patong problema na ang kanilang dala-dala para sa hinaharap. Bunsod ng mga pagbabago sa tradisyunal na gawin ng mga bata tila lalong itong pumangit at lumala.
Minsan pa nga tila nagiging obligasyon nilang pasanin ang mabigat na mundo dulot ng kawalang masasandalan. Sa panahon natin ngayon ang mga musmos na bata ay tila patok ng matatanda sa larangan ng pagkita ng pera sila’y malupit at kahanga-hanga pero saan ba talaga sila nababagay? Sa loob ng paaralan para may matutunan o sa kalsada para may ipanlaman ang kanilang nagugutom sikmura. Mulat tayo sa realidad ng mundo na ang mga bata talaga ang tunay na apektado sa palugmok na stado ng bansa. Ngunit parang bulag ang bawat isa at hindi naririnig ang hinaing nila na sila ay bata pa. Sino Ba Ang Dapat Sisihin? Magtuturuan nanaman ba tayo? O magsasawalang bahala?
Patuloy natin pinagtatalunan ang mga usapin tila wala naman kapupuntahan. Sa ginawa ng mga matatanda nadadagdagan na lang ang kanilang suliranin. Pero bakit hindi ito alintana ng iba na nasa itaas. Akala ko ba kabataan ang pag-asa ng bayan ngunit sa nakikita ko kung magpapatuloy na lang ganito. Problema at utang lang ang iiwan ninyo, gustuhin ko man maging bayani ng alata sosyodad na ito tila ito malabo. Kung sa simula pa lang ay palpak na.Ano pa kaya ang aking mapapala
Ako na may edad 16 ganito na ang opinyon papaano pa kaya ang mga bata na may gulang 7-13 ano na lang ang sasabihin nila lalo na kung kabilang sila sa lipunan na puno ng kahirapan?
Magisip at gamitin puso. Minsan ka rin naging BATA DI BA??…
Ang mga bata kung minsan ay hindi na talaga bata. Nakakaawa lang dahil minsan lang natin mararanasan ang yugto nito ng ating buhay. Kung ano man ang iyong naranasan wag mo sanang ipagkait sa kanila. Sila ay may karapatan sa mudong kanilang ginagalawan. Ang buhay ay masaya sana hayaan natin ito ang kanilang madama hindi ang libo-libong problema na hindi pa naman talaga nila kaya. “BATA PA SILA BIGYAN NATIN SILA NG MAGANDANG BUKAS, SA RESPONSIBILIDAD NATIN SA KANILA SANA HUWAG TAYONG TUMAKAS”
9 tips to make love
♥ PATIENCE—love suffereth long
♥KINDNESS—love is kind
♥GENEROSITY—love envieth not
♥HUMILITY—love vauntieth not self, is not puffed up
♥COURTESY—Doth not behave itself unseemly
♥UNSELFISHNESS—seeketh not it’s own
♥GOOD TEMPER—is not provoke
♥GUILELESSNESS—taken not account of evil
♥SINCERITY—rejoiceth not in unrighteousness, but rejoce in the truth
♥KINDNESS—love is kind
♥GENEROSITY—love envieth not
♥HUMILITY—love vauntieth not self, is not puffed up
♥COURTESY—Doth not behave itself unseemly
♥UNSELFISHNESS—seeketh not it’s own
♥GOOD TEMPER—is not provoke
♥GUILELESSNESS—taken not account of evil
♥SINCERITY—rejoiceth not in unrighteousness, but rejoce in the truth
I hate distance
“Isinusumpa ko ang pagitan
na naglayo sa ating pagmamahalan”
nakakapagod mag-alala sayo
sa mga oras na magkalayo tayo
ni minsan hindi lumipas ang segundo
na hindi ka tinibok ng puso
bawat araw dalangin ko ay ikaw
makatabi ka o aking tanglaw
kaya lang tila sa magaganda mong larawan
na lamang kita mahahagkan
kahit alam kong masakit na ikaw ay kalimutan
ginagawa upang hindi ako labis na mahirapan
na tanggapin ang katotohanan
na ang aking iniwan ay hindi ko na mababalikan.
alam kong buong habang buhay akong magdurusa at luluha
dun ka na lang maibabaling ang paghaplos sa iyong mukha
na lagi kong dating ginagawa at pagtingin sa iyong mga mata.
mamimis ko lahat pero wala na, huli na,…..
sa Distansyang naglayo sa atin ikay ay nagpadala
Pag-ibig mo sa akin pinutok na parang bula :(((
acceptance
Learn the art of acceptance and you will find the meaning of freedom...
minsan kasi tayo na ung kusang nagbibilango sa sarili natin
isinisisi lang natin sa iba ... everybody has a choice no one is entitle of you life except YOU.. don't let any one dictate you, don't live with other expectations because the journey of your life is in your hands and fo...
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)











